Pagkatapos ng dalawang taon mula nang mai-release ang kanyang self-titled debut album under Universal Records ay ginawaran na ng kanyang kauna-unahang Gold Record award si Alden Richards.
Sinorpresa ng general manager ng Universal Records na si Kathleen Dy-Go si Alden sa Eat Bulaga! ngayong tanghali, September 25, nang iabot sa Kapuso actor-TV host ang kanyang Gold Record award.
Hindi naman napigilan ni Alden na mapaiyak dahil hindi niya talaga inasahan ang parangal na ito sa kanya.
Pahayag ng Pambansang Bae, “Di ko po in-expect. Thank you po, thank you po sa lahat.
"Thank you po, at least, kahit papaano, ipinakita niyo pa rin ang suporta.
"Nagpapasalamat po ako sa Universal Records for trusting me with my first album.
"Kahit hindi naman po ako singer, binigyan ako ng chance."
Maliban sa kanyang pagpapasalamat sa show kanina, nagpasalamat din si Alden sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@aldenrichards02):
Maraming salamat po Lord at sa inyo pong lahat maraming maraming salamat po. 🙌ðŸÂ» pic.twitter.com/P7DMVNNllQ
— Alden Richards (@aldenrichards02) September 25, 2015
Ang debut album ni Alden na ini-release noong 2013 ay naglalaman ng pitong kanta: "Haplos," "Naaalala Ka," "Can't Find The Reason," "Di Na Mababawi," "Sa Aking Tabi," "Akin Ka Na Lang," at "Everytime I See You."
Kahit matagal na itong nai-release, nabigyan ng panibagong atensiyon ang debut album ni Alden kasabay ng pagsikat ng AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza (Yaya Dub) at ang paglabas ng kanyang bagong single na "Wish I May."
Ang "Wish I May" ay kabilang sa second album ni Alden na ire-release ng GMA Records sa October.