Glaiza de Castro elated that her upcoming concert is sold out: “Karamihan ng mga bumili ng tickets ay galing pa sa ibang bansa."

Glaiza de Castro is also thankful that her first album Synthesis is selling well, “Kaya sobrang blessing ang lahat ng ito kasi lahat ng hindi ko inaasahan, ang kapalit ay sobra-sobra naman.” (To view PEP Jams with Glaiza de Castro, CLICK HERE)



Hindi muna hinahanap ng GMA-7 actress-singer na si Glaiza de Castro ang magkaroon ng bagong teleserye after The Rich Man’s Daughter dahil mas nakatuon ito sa kanyang first concert sa Music Museum on October 3 titled Dreams Never End.

Karamihan daw ng mga nag-purchase ng tickets ay mula sa LGBT community na members ng lumalaking fan base niya.

“Nagulat kaming lahat kasi ang bilis po na ma-sold out yung mga tickets namin.

“Karamihan ng mga bumili ng tickets ay galing pa sa ibang bansa... Japan, Malaysia, Dubai and the U.S.

“They will fly in the country para lang manood ng concert ko.

“Parang hindi ako makapaniwala na talagang gagastos sila para lang manood ng concert namin.

“They keep in touch with me through Twitter, na darating talaga sila to watch me perform.

“Tuloy kinakabahan ako kasi kailangan best performance ang ibigay ko.

“Para naman hindi sayang ang pagpunta nila sa Pilipinas,” natatawang pahayag pa ni Glaiza nang makapanayam namin siya sa September 25 sa GMA Network Center.


SPECIAL GUESTS. Sina Aiza Seguerra, Kitchie Nadal, Jay-R at Regine Velasquez-Alcasid ang special guests ni Glaiza sa kanyang concert na Dreams Never End.

Darating din ang kanyang mga kaibigan na sina Rhian Ramos, Alessandra de Rossi, at Angelica Panganiban.

Kuwento pa ni Glaiza na personal pa raw niyang inimbitahan ang kanyang mga guests.

“Actually nahihiya akong kausapin sila, pero naglakas-loob na lang ako talaga.

“Thankful naman ako na um-oo sila agad, wala man silang tinanong sa akin regarding talent fee.

“Pero, siyempre, may nakahanda naman na honorarium para sa kanila.

“Kailangan meron talaga kasi mag-aabala silang magpaayos at pumunta.

“At least, kahit doon na lang sa honorarium ay mai-express namin ang pasasalamat na nandoon sila sa concert.

“Saka lahat sila ay may duet ako, plus may sarili silang spot number.

“Happy lang ako kasi hindi nila ako tinanggihan!” sabay tawa pa ni Glaiza.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MALL SHOWS. Isa pa sa ikinakatuwa ni Glaiza ay ang magandang benta ng kanyang album na Synthesis.

Noong May lang niya ito ni-launch pero patuloy ang pagbenta nito at parating sold-out sa kanyang mga mall shows at sa kanyang cafe-resto na Runner’s Kitchen sa Tomas Morato, Quezon City.

“We started with only one thousand copies, okay na ako sa bilang na yun kasi sa cafe-resto lang namin siya binebenta.

“Laging nauubos siya, ‘tapos may mall show ako, nagbebenta din kami at nauubos din.

“Sa ngayon ay nakaka-eight thousand copies na kami at marami pa rin ang naghahanap.

“Kaya sobrang blessing ang lahat ng ito kasi lahat ng hindi ko inaasahan, ang kapalit ay sobra-sobra naman.”

Sa November ay magsisimula si Glaiza na kanyang series of shows abroad.

“I will be in Singapore on November 7, ‘tapos may five-city tour show kami in Canada starting November 26 hanggang December 7.

“Kaya okay lang na wala muna akong teleserye kasi puno ang calendar ko ng mga shows hanggang December.

“More on sa music muna ako, which is my first love bago dumating ang acting.

“Pero meron naman akong natapos na isang indie rom-com film titled Sleepless na tungkol sa mga call center agents.

“Isa siya sa ipapalabas sa Quezon City Film Festival in November, kasama ko rito sina Dominic Roco and TJ Trinidad.”


(To view PEP Jams with Glaiza de Castro, CLICK HERE)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN