Jake Cuenca to go with Coverboys in a series of shows in the U.S.

by Rose Garcia
Jun 11, 2008
Jake Cuenca recently signed a contract with Drs. Manny and Pie Calayan as their newest endorser. He will be going to the States with his all-male group, the Coverboys, this Friday to do a series of shows.

Nagiging in na sa young stars ngayon ang pagkakaroon ng kani-kanyang endorsements. Tila nagiging gauge na ng kasikatan nila ang laki at dami ng kanilang endorsements.

Kapansin-pansin din lately na tila nagpapalitan lang ang mga ito ng mga produktong ini-endorso. PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na ang bagong image model ng Calayan ay ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Present ang mag-asawang Drs. Manny and Pie Calayan sa naganap na contract signing last June 4 sa Felije Restaurant sa Greenbelt 5.

Ayon sa nabalitaan ng PEP, after the contract signing ay ang bonggang launch naman daw kay Jake as Calayan's newest image model ang susunod. Jake will represent the youth in Calayan ads.

Hindi masagot ng kausap ng PEP kung pinalitan ba ni Jake ang young actor naman na si Richard Gutierrez or kung nagpalitan ba sila ng iniendorso, dahil as we all know, kailan lang ay si Richard naman ang ni-launch ng MET Tathione as their new celebrity endorser.

Continue reading below ↓

Ayon sa kausap ng PEP, posible rin daw na hindi nagpalitan sina Richard and Jake, and both of them are Calayan image models.

Incidentally, Jake still has a contract with MET as their endorser, although derma clinic nga lang ang napalitan sa kanya. He used to be with MET's White Beauty.

Samantala, paalis naman daw si Jake this Friday papuntang States kasama ang grupo niya na Coverboys pero babalik din siya by Tuesday. Posibleng pagbalik daw ni Jake, magsisimula na siyang gawin ang isang episode for Your Song.

After that ay kailangan ding bumalik siyang muli sa U.S, para sa mas matagal na series of concerts ng kanilang grupo na kailan lang ay nagkaroon ng concert sa Music Museum.

Pag-uwi ni Jake after the Coverboys concerts, doon na nga raw siya posibleng mag-start for his new primetime series sa ABS-CBN na ayon sa balitang nakarating sa PEP could be bigger than Palos.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jake Cuenca, concert, music
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca recently signed a contract with Drs. Manny and Pie Calayan as their newest endorser. He will be going to the States with his all-male group, the Coverboys, this Friday to do a series of shows.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results