Glaiza de Castro surprised first major concert is a success: “Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat.”

Glaiza de Castro on her successful show: “Hindi talaga ko makapaniwala, kasi, parang never naman talagang nangyari sa akin yung ganun, yung ma-sold-out. Pero ngayon, lahat ng pag-alinlangan ko dati, lahat ng pagod, paghihintay, binibigay Niya talaga sa tamang panahon."



Sold-out ang Dreams Never End, ang kauna-unahang major concert ng GMA-7 actress na si Glaiza de Castro na ginanap sa Music Museum noong nakaraang Sabado ng gabi, October 3.

Dream come true para kay Glaiza ang maging special guest sa concert ang mga idolo na sina Regine Velasquez (na tinawatawag niyang "Ate Reg"), Kitchie Nadal, at Cooky Chua.

Guest din ni Glaiza sina Jay-R, isa sa mga unang sumugal sa album ng singer-actress na Synthesis, at mga kaibigan na sina Quark Henares, Ketchup Eusebio at Gabby Eigenmann.

Nakadagdag din sa star power ng guest list ni Glaiza ang naging kapareha sa primetime series na The Rich Man’s Daughter, si Rhian Ramos.

Surreal pa rin daw para kay Glaiza na naging guests niya ang mga iniidolo sa musika.

“Yung unang pasok nga ni Kitchie, parang hindi pa rin ako makapaniwala. Nakalimutan ko na part ko na pala yun sa sobra kong mesmerized,” natatawang pag-amin ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA-7 reporters pagkatapos ng concert.

Puring-puri si Glaiza ng mga iniidolo niya. Sinabi ni Regine na maganda ang boses ni Glaiza, na nakasama nito sa primetime series na Diva. Pero hindi raw akalain ni Regine na napakagaling ni Glaiza kumanta.

Komento ni Glaiza, “Well, coming from them, nakakataba ng puso, nakaka-humble. Siyempre, hindi naman dun nagtatapos yun.

"Parang mas pursigido akong pagbutihin ang ginagawa ko dahil naniniwala sila sa akin at ayoko naman silang i-fail dun.”


STAGE FRIGHT. Hindi rin itinago ni Glaiza na kabado siya habang nasa stage.

"Yung kaba ko, tagung-tago. Tina-try ko talaga siyang i-hide.

"Kasi siyempre, paglabas ko ng stage at naramdaman ng tao na ine-enjoy ko yung performance at ganundin ang gusto kong maramdaman nila, ma-enjoy nila yung pinapanood nila.”

Dugtong niya, “Actually, before kaming mag-start, meron akong nakuhang tips kay Ate Reg. Kailangan daw na i-enjoy ko lang yung moment na ito, that you’re on stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pakinggan ko yung boses ko. Lahat yun, kineep ko in mind.

"Siguro, bago ako lumabas, kargado ako.

“Pero siyempre, nandun pa rin ang prayers, nanggagaling sa Kanya [referring to God]. Sa lahat ng ginagawa ko, yung strength ko, nanggagaling talaga sa Kanya.”


RIGHT TIME. Kumpirmadong sold-out ang concert dahil marami pa ang gustong makabili ng tickets, pero wala na talagang maibenta.

Wala ring maipamigay na complimentary tickets kahit sa sinong member ng entertainment press.

Ano ang pakiramdam ni Glaiza na sold-out ang kanyang unang major concert at unang pagkakataon na mag-produce ng show?

“Hindi talaga ko makapaniwala, kasi, parang never naman talagang nangyari sa akin yung ganun, yung ma-sold-out.

"Hindi ako sanay sa ganung balita. Yung unang-una kong nilabas ang Synthesis, talagang mahirap, gapang.

"Pero ngayon, lahat ng pag-alinlangan ko dati, lahat ng pagod, paghihintay, binibigay Niya talaga sa tamang panahon,” ani Glaiza na ang tinutukoy ay ang Diyos.

Dugtong niya, “Tine-test ka lang din kung tutuloy mo ba o naniniwala kang mangyayari siya.”


REPEAT SHOW. Naniniwala si Glaiza na masusundan ng panibagong concert at gaganapin sa mas malaking venue ang susunod na Dreams Never End.

"Panigurado, naniniwala akong masusundan siya.

“May mga nagtatanong ng repeat. May mga hindi nakarating.

"Pero hayun, nagpapasalamat ako dahil kaakibat ko ang GMA rito. Sa mga hindi nakapanood, mapapanood nila sa TV. Hopefully, after everything, after ng concert sa Singapore at Canada, mai-tour rin namin ang Dreams Never End.”

Humingi ng paumanhin si Glaiza dahil napakarami raw niyang nakalimutang pasalamatan, lalo na sa fans niya.

“Actually, ang dami kong nakalimutan, sobrang blangko-blangko ako sa stage. Sobrang emotionally high ako.

"Sabi nga dapat, relax lang. Huwag kang magmadali sa mga sasabihin mo. Pero hindi ko maiwasang mag-stutter.

“Sobra lang talaga akong grateful.”

Pinaalala namin kay Glaiza na isa sa nakalimutan niyang pasalamatan ay ang Kapuso actor na si Benjamin Alves na maaga pa lang daw ay nasa venue na at isa sa tumulong sa singer-actress para mabuo ang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami, marami. Si Ben [Benjamin Alves], nakalimutan kong pasalamatan. Si Chynna [Ortaleza], kapatid ko, si Alchris [Galura], kapatid ko, nakalimutan ko.

"Yung isa ko pang kapatid, nakalimutan ko rin. Ang dami!”

Mapapanood ang Dreams Never End sa GMA-7 this November.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN