Alden Richards’ debut album makes it to Billboard's World Albums chart

Alden Richards on his Gold record award for his debut album: “Nagpapasalamat po ako sa Universal Records for trusting me with my first album na kahit hindi po ako singer ay binigyan nila ako ng chance. Sa lahat po ng sumusuporta ng album, salamat po!”



Pasok ang album ni Alden Richards sa 10 top-selling world music albums ayon sa Billboard.com.

Ang self-titled debut album ng GMA-7 actor ay nasa No. 10 slot ng World Album weekly Top 10 chart sa website ng American music magazine na Billboard.

Ayon sa website, base ang kanilang chart sa sales data na nakuha ng Nielsen Music.

Bukod sa album ni Alden, pasok rin sa listahan ang albums ng K-Pop groups na iKON at Seventeen, pati na ang Swedish rock band na Dungen.

Ang No. 1 sa list ay ang extended play album na Mad mula sa all-male K-Pop group na GOT7.

On November 14, babalik sa Pilipinas ang GOT7 para sa kanilang first fan meeting sa bansa.

Nitong September 25, opisyal na inanunsiyo ng Universal Records ang Gold record status ng debut album ni Alden sa Eat Bulaga.

Kaugnay nito, nakatanggap si Alden ng isang Gold Record plaque mula sa Universal Records’ General Manager na si Kathleen Dy-Go.

Hindi napigilan ng tinaguriang “Pambansang Bae” ng Kapuso Network na maging emotional nang matanggap ang kanyang plaque at pinasalamatan ang kanyang mga producers at ang mga sumuporta sa kanya.

Ani Alden, “Nagpapasalamat po ako sa Universal Records for trusting me with my first album na kahit hindi po ako singer ay binigyan nila ako ng chance.

“Sa lahat po ng sumusuporta ng album, salamat po!”

Read: Alden Richards receives first Gold record award from Universal Records


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN