Christian Bautista excited over two PMPC award nominations for music

Christian Bautista is preparing for a series of solo concerts in the United States, a daunting experience for him.




Kasalukuyang nasa United Kingdom ngayon si Christian Bautista para sa isang special project na natanguan niya roon.

Bago sa U.K. ay nauna munang nagpunta si Christian sa Brunei para sa isang commitment na natanguan niya roon.

A day before his flight ay nakausap pa siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nabanggit niya na excited siya sa nalalapit na 7th PMPC Star Awards For Music.

Dalawang nomination kasi ang nakuha niya para sa kanyang pinakahuling ginawang album, ang Soundtrack.

Unang nomination niya ay para sa Male Recording Artist Of The Year.

Kabilang sa nominees din sa kategoryang ito sina Gloc 9, Janno Gibbs, Martin Nievera, Noel Cabangon, Richard Poon, at Vice Ganda.

Ikalawa ay para naman sa Male Pop Artist Of The Year.

Nominated din dito sina Aljur Abrenica, Gerald Santos, James Reid, Janno Gibbs, Martin Nievera, at Richard Poon.

“Ang sarap ng pakiramdam!” natutuwang pahayag ni Christian kaugnay ng dalawang nominations niyang ito.

“Kasi parang nari-recognize ‘yong trabaho mo, nari-recognize ‘yong pinaghirapan mo, at nari-recognize ‘yong mga music mo.”

Nanalo na si Christian sa PMPC Star Awards For Music bilang Best Male Recording Artist noong 2010.

Noong 2012 naman ay nagwagi ulit siya bilang Male Pop Artist Of The Year naman.

May kaba pa ba kapag ganitong nanu-nominate siya for an award?

“It’s more excitement ’tapos kung susuwertihing manalo ulit, mas masaya ang ang pakiramdam siyempre.

“Bonus, kumbaga, karagdagang reward para sa hard work mo.”

Sa ngayon, busy sa pagpu-promote si Christian ng repackaged album niyang Soundtrack.

“Nagdagdag kami ng isang song do’n sa Soundtrack na album…. dinagdagan ng kanta namin ni Jessica Sanchez na 'Two Forevers.'

“’Tapos I’m preparing for concert sa Amerika, gagawin ito sa Livermore in San Francisco sa October 17 at sa Texas this October 23.”

Solo concerts ito kaya raw, “Mas mahirap, kasi kailangang makuha mo ang atensiyon ng audience mo for one hour or two hours alone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may guest artist, at least may pahinga ka, meron kang kabatuhan ng spiels o dialogue, ganyan.

“Ang concert, usually mga one hour and thirty minutes; mga fifteen to eighteen songs, dire-diretsong kakantahin mo.

“Kaya in preparation for a solo concert na ganyan, you really have to sleep…

“Minus alcohol at pagpapagod ’tapos drink a lot of water and vocalize exercise.”

Fully booked na raw ang schedule ni Christian sa mga shows in and out of the country hanggang December.

“For next year, it’s still free,” kanyang schedule ang ibig niyang tukuyin, “so I don’t know yet what’s gonna happen.”

Samantala, sa mga photos na ipinu-post niya sa Instagram, makikitang ini-enjoy ni Christian ang mga sandaling nakakapamasyal siya sa UK.

Mula sa pagkain at pag-iikot sa mga pamosang lugar doon, hanggang sa panonood ng football game ng NFL UK Jets versus Dolphins, panonood ng world premiere ng Close To You, at iba pang nagiging itinerary ni Christian ay talagang sinusulit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN