Kakaiba ang self-titled album ni Glaiza de Castro dahil two
years na itong available sa market bago ito official na ini-launch. Kagabi, June 12, ay ini-launch na officially ang kanyang
self-titled album, Glaiza under Dyna Records sa Metro Phi, Metrowalk.
Tatlong beses nagpalit ng damit si Glaiza sa buong gabi ng kanyang album launch. Dalawa habang nagpe-perform siya and the last one, nang nag-e-entertain na siya ng mga bisita.
Overwhelmed si Glaiza sa nakitang suporta sa kanya ng mga kaibigan in and outside showbiz. In fact, ilan sa mga nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na present sa kanyang launching ay ang talent manager niyang si Manny Valera, ang dating co-star sa isa sa mga first show niya sa Kapuso network na si Isabella de Leon.
Ang ka-loveteam niya na si Marky Cielo ay pumunta kasama ang isa pang StarStruck avenger na si Jesi Corcuera. Present din ang mga co-stars and production people of her latest independent/digital movie na Rak en rol.
Based sa kuwento ni Glaiza, nang i-release na raw ng Dyna Records ang kanyang album, mismong siya raw ay hindi aware na may album na pala siyang naka-release. "Hindi ko po talaga alam na na-release na pala nila. Nalaman ko lang dahil may nagsasabi sa akin na nakita raw nila ‘yung album ko, na may album daw po pala ako. So, ako naman, akala ko ‘yung sinasabi nila, ito pa ‘yung album ko noong 14 years old ako, when I first started in showbiz.
"Tapos nga, nakita ko, ito na palang self-titled album ko nga, pero wala po talagang naging promotion saka, ngayon pa nga lang po ni-launch kaya hindi po aware ang mga tao," pahayag pa ni Glaiza. Aminado ang aktres na ang first love raw talaga niya ay ang pagkanta.
Maituturing na gifted sa voice and acting si Glaiza. In fact, nominated ang aktres sa 5th Golden Screen Awards sa kategoryang Best Performance by a Leading Role-Actress for her independent/digital film na Still Life na bahagi ng 2007 Cinemalaya.
Ngayong araw na ito, June 13, ang finale ng kanyang afternoon series na Kaputol Ng Isang Awit. Perfect timing din daw ang lahat dahil kasabay sa paglo-launch ng kanyang album ay mas mabibigyan na rin niya ng panahon ang promo nito including radio tours, bar tours, mall shows and out-of-town shows.
Ilan sa mga kinanta ni Glaiza with her band during her album launch ay ang
kanyang carrier single na "Paano" na ayon kay Glaiza ay madalas na rin daw
niyang kinakanta sa afternoon series nga nilang Kaputol ng Isang Awit.
Other songs in the album Glaiza ay ang English version ng "Basta't Kasama Kita" na "How Can I Make You See." Eleven songs ang nakapaloob sa kanyang album including "Ligaw Tingin," "Sana," "Hold You Once Again," "Ikaw Lamang Ang Gwapo," "Someone," "As Long As I Am With You," "Sinabi Mo Sa Akin," "Teka Lang," at "Sayang Lang."
All songs are arranged by Krist Melecio except "Teka Lang," which was done by Ro Reyes, "Sinabi Mo Sa Akin" by Eric Narvaez and "Paano/How Can I Make You See" by Rey Cantong.