Sarah Geronimo jokes about her From The Top concert, "Daring pero hindi naman ako maghuhubad."

Sarah Geronimo will hold her From The Top concert on December 4 at the Smart Araneta Coliseum.




Sa ngayon, patuloy ang pagkuha kay Sarah Geronimo bilang endorser ng iba€™t ibang produkto gaya ng Michaela.

Nakausap namin si Sarah sa 10th anniversary celebration ng Michaela Bags na ginanap sa Event Center ng SM Megamall last Saturday.

Pang-ilang product endorsement na niya ito?

“Hindi po ako nagbibilang, e.€Â

Paano siya napapayag na mag-endorse ng bags?

“Una po sa lahat, local product po ito. Siyempre po, it makes me prouder to be a Filipino €˜di ba?

“Dapat yung ini-endorso natin yung sarili nating gawa, sarili nating produkto. Yung kanilang ultimate goal talaga ay magbigay ng services sa mga kababaihan.

“I-value natin ang sarili natin. We always have to look our best €˜di ba?

“So, yun. Yun naman ang dahilan kaya ako pumayag. Sino naman ang hi-hindi.€Â

Ayon sa Popstar Princess, ini-invest niya ang mga kinikita niya sa financial service group na ine-endorso niya.

Ano pa ang ibang investments niya?

“Investments ano po, business po namin, meron po kaming family-owned restaurants, may mga property.€Â

Tuloy ba ang concert niya this year?

“Yes po, December 4, ang title is From The Top. Sa Araneta Coliseum po gagawin directed by Paolo Valenciano.€Â

Paano magiging kakaiba ang From The Top sa mga nagawa niya na concerts before?

“Kasi gusto lang namin, ako, parang during the meeting hindi po kasi namin alam kung saan kami pupunta.

“So, [someone said] €˜Why don€™t we make it From The Top. Eto kasi yung parang transition stage ko na uhm, siyempre nagkaka-edad na rin po ako.

“At the same time kino-consider ko maraming factors. Ayokong gumawa ng something na drastic na hindi ako. Hindi ko identity. So, From the Top. Kunin natin sa umpisa and then, everything will follow na.€Â

Ano€™ng klaseng music ang mariring sa concert niya?

“Yung ano po, hindi pa pwede sabihin, e. Secret pa, e.

“Pero eto yung first time ko na gagawin. Eto€™ng konspeto na €˜to, ano €˜to, talagang matapang na€daring pero hindi naman ako maghuhubad. Hahaha!

“Daring yung music ko medyo ano, titingnan natin.€Â

May naka-lineup na bang guests niya sa concert?

“Wala pa naman po.€Â

Iimbitahin ba niya ang real-life boyfriend niya at singer din na si Matteo Guidecilli bilang isa sa mga performer sa concert niya?

“Si Daddy po nakatingin,€Â pabirong sabi ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN