Acoustic singer Sabrina clarifies her "Thinking Out Loud" cover has nothing to do with AlDub


Itinanggi ng acoustic singer na si Sabrina na may kinalaman ang popularidad ng AlDub sa cover version niya ng "Thinking Out Loud" na kasama sa kanyang bagong album sa MCA Music, ang I Love Acoustic 8.

Aniya, “Na-record ko na ang 'Thinking Out Loud' way, way before the phenomenon.”

Muling sumikat sa Pilipinas ang hit song ni Ed Sheeran nang gamitin ito bilang isa sa Dubsmash song ng phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Si Sabrina ang may hawak ng title na "Asia’s Acoustic Sweetheart" dahil sa kanyang popularidad sa ibang Asian countries.



ASIA SONG FESTIVAL EXPERIENCE. Siya ang nag-represent sa Pilipinas sa 2015 Asia Song Festival na ginanap sa Busan Asiad Main Stadium sa Busan, South Korea.

Sikat sa nasabing bansa ang "Lost Stars," isa sa mga kanta sa kanyang 18-track newly-released album mula sa MCA Music.

Kuwento ni Sabrina, "Nakuha ko ang invitation sa Internet. I saw na I was invited.

"Hindi naman tayo kilala dito sa bansa, so for me to be invited there, I had to double blinked, triple blinked for that.

"Hindi ako makapaniwala.

"And then, when I got there, they treated me with so much respect and talagang may importance.

"I didn’t feel any discrimination.

"They treated me the same as how they treat their K-Pop bands over there and they were really very professional."



NOT POPULAR IN HER OWN COUNTRY. Nagbigay rin ng pahayag si Sabrina tungkol sa hindi niya pagiging sikat sa Pilipinas.

"May mga nagsasabi sa akin, laging ‘Ano ba ‘yan, Sab? Bakit ganoon ang mga Pilipino, bakit mas sikat ka pa sa ibang bansa?’

"Maraming ganoon, hindi lang family, pati fans.

"Sabi ko, ganoon talaga, in God’s time.

"Maganda nga yung mas pinaghihirapan para matagal mong nakuha, mas matagal din na mawawala sa 'yo."

Dagdag ni Sabrina, "Siguro pine-prepare pa ako ni God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes, parang sobrang dami ng bulong na ganoon, parang mahahawa ako sa kanila. Bakit ganoon?

"Pero very optimistic ako na tao.

"Iniisip ko nga, yung ibang sikat dito, gusto naman nila na sumikat sa bansa kung saan ako kilala.

"So, nobody's perfect, hindi talaga ibibigay sa 'yo lahat.

"Hindi ko nga ini-expect na yung iba, gusto yung posisyon kung nasaan ako ngayon.

"It’s just looking at the bright side and feeling blessed, maging thankful ako.

"Kasi kung magse-self pity ako, feeling ko ang ingrata ko.

"Parang kinikilabutan ako kapag ganoon."

Sa tulong ng MCA Music, umaasa si Sabrina na magkakaroon ito ng exposure sa mass media at mga TV guesting para makilala na siya at ang kanyang mga kanta sa sariling bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN