DJ Tom Taus performs in ULTRA Japan with David Guetta, Skrillex, Alesso

“I still could not believe I played on the same stage as all these artists that are some of the biggest names in electronic music today,” says DJ Tom Taus about peforming on the same stage with DJ superstars David Guetta, Skrillex, Alesso, Dash Berlin, and Armin Van Buuren.



Bonafide international DJ na ang former child actor na si Tom Taus dahil sa recent performance niya sa ULTRA Japan, ang Japanese edition ng pinakamalaki na electronic music festival sa buong mundo na ginanap sa Tokyo.

Nakasama ni DJ TomTaus sa ULTRA Japan ang mga superstar DJs na sina David Guetta, Skrillex, Alesso, Dash Berlin, at Armin Van Buuren.

Ang ULTRA Japan ang unang appearance ni Tom sa isang major international music festival sa Asia, pero pinahanga niya ang organizers kaya inilagay siya sa main stage sa final day ng show.

Si Tom ang unang nag-perform at siya rin ang naging host ng one-two-three punch nina Dash Berlin, Alesso, at David Guetta.

“I still could not believe I played on the same stage as all these artists that are some of the biggest names in electronic music today,” sabi ni Tom.

Nagsimula ang interes ng dating child actor sa DJ-ing ten years ago sa isang private party sa Manila ng kaibigan niya.

Ipinagpatuloy ni Tom ang kanyang hilig nang bumalik siya sa Amerika noong 2001at nakilala sa Hollywood bilang si DJ TommyT.

Nag-umpisa ang festival sa Miami Beach, Florida, noong 1999 at sa nakalipas na 16 years, libu-libong iconic DJs, producers at live acts ang nagpabilib sa audience kaya nagkaroon ng ULTRA festivals sa Argentina, Brazil, Chile, Ibiza, Korea, South Africa, at Japan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN