Ogie Alcasid, Rey Valera to receive lifetime honors from 2015 Star Awards for Music

OPM legends Ogie Alcasid and Rey Valera will get lifetime achievement honors at the 2015 Star Awards for Music on November 10. Rey will receive the Pilita Corrales Lifetime Achievement Award, while Ogie will get the Parangal Levi Celerio.



Igagawad ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. sa icons ng Original Pilipino Music (OPM) na sina Rey Valera at Ogie Alcasid ang pinakamataas na parangal nito sa November 10, 8 p.m., sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Unanimous ang desisyon ng PMPC voting body na gawaran ng lifetime achievement awards sila Ogie at Rey sa 7th PMPC Star Awards for Music.

Hindi matatawaran ang malaking kontribusyon at achievements sa local music industry nina Rey at Ogie sa loob ng mahabang panahon.

Si Rey ang napili ng PMPC para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (singers), samantalang si Ogie ang awardee para sa Parangal Levi Celerio (composers, record producers).

Sino nga bang Pinoy ang hindi kumanta ng Rey Valera o Ogie Alcasid hit song kapag nagbi-videoke—may okasyon man o sadyang videoke night lang?

Ang "Maging Sino Ka Man," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," "Kung Kailangan Mo Ako," "Pangako," "Sinasamba Kita," "Malayo Pa Ang Umaga," "Kumusta Ka?" at "Kung Tayo'y Magkakalayo" ang ilan lamang sa mga kantang pinasikat ni Rey.

Si Ogie ang lumikha ng hit songs na "Nandito Ako," "Bakit Ngayon Ka Lang?" "Hanggang Ngayon," "Kung Mawawala Ka," "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka," "Ikaw Sana," "Mahal Kita Walang Iba," at iba pang mga kantang isinulat niya para sa ibang mga mang-aawit.

Ang mga natatanging nilikha nilang awiting ito ay tunay na magmarka sa kaisipan at kamalayan ng mga Pilipino.


PAST LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEES. Ang mga nakaraang lifetime achievement awardees ng PMPC Star Awards for Music (na nagsimula 7 years ago) ay ang APO Hiking Society (2009), Pilita Corrales (2010), Nora Aunor (2011), Jose Mari Chan (2012) at Freddie Aguilar (2013).

Kinalaunan, nagdesisyon ang PMPC na i-honor rin ang musical legacy ni Pilita. Kaya nagkaroon ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (highest honor for singers).

Dito nagwagi si Lea Salonga noong 2014.

Last year lamang nagdesisyon ang PMPC na bigyan ng pinakamataas na parangal ang composers, arrangers, record producers, at ipinangalan ito sa National Artist for Music na si Levi Celerio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ryan Cayabyab ang first recipient ng Parangal Levi Celerio, isa ring lifetime achievement award, noong 2014.

Aawitin nila Janno Gibbs at Vina Morales ang mga kanta nila Ogie at Rey bilang musical tribute sa kanila sa awards night.

Sasamahan din nila Ogie at Rey sila Janno at Vina sa stage.

Ang 7th PMPC Star Awards for Music ay produced ng Airtime Marketing ni Tessie Celestino-Howard at ididirek ni Bert de Leon.

Ito ay ipalalabas sa ABS-CBN sa gabi ng November 29.


(For the list of nominees, read: Morissette, Yeng, KZ, Sheryl Cruz, Kim Chiu, Michael P, and Daniel competing for Song of the Year in Star Awards for Music)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN