Mich Liggayu creates solo YouTube channel; doesn't expect it to be as successful as Jamich's

Mich Liggayu on opening her own YouTube channel: “Di naman po ako nag-e-expect ng malaking views or something similar sa JamichTV.”



Nagbabalik si Mich Liggayu sa media platform kung saan siya sumikat: ang YouTube.

Pero di gaya ng dati, solo na si Mich sa bagong YouTube channel nito.

Naging YouTube sensation si Mich at ang yumaong boyfriend na si Jam Sebastian. Nakilala sila bilang tambalang Jamich dahil sa mga ginawa nilang short films tungkol sa pag-ibig sa nasabing media platform.

Pumanaw si Jam noong March 4, 2015 dahil sa lung cancer.

Kuwento ni Mich, “Kakasimula ko lang po ulit sa bago kong channel. This time po kasi alam kong back to zero lahat.

"So di naman po ako nag-e-expect ng malaking views or something similar sa JamichTV.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Mich via email nitong Miyerkules, November 11.

Sinabi rin ni Mich na hilig niya talaga ang paggawa ng short films, kaya binabalikan niya ito.

“Yung paggawa po kasi ng short films, passion ko talaga.

“Nakakabuhay ulit ng pakiramdam, na gumagalaw ka sa set ng team mo, sa paggawa ng short films.”

Hindi sigurado si Mich kung tatangkilikin ang mga gagawin niyang short films, gaya ng ginawa ng publiko sa Jamich videos na umabot ng ilang milyong views.

Pero desidido ang dalaga na ipagpatuloy ang kanyang hilig.

“Someday, I'm hoping na maging successful pa rin po ako sa paggawa ng videos sa YouTube.

“Pero as of now po, mas nagpo-focus ako sa paggawa ng videos kasi yun po talaga passion ko and gagawa lang po ako nang gagawa ng videos, kahit di na magiging kagaya ng dati yung views kasi yun po talaga passion ko.”

HALLOWEEN SHORT FILMS. Pang-Halloween ang gagawing short films ni Mich.

“Last time na malapit mag-Halloween, naisipan kong bumalik na ulit sa paggawa ng short films.

"Since di na po umabot sa Halloween night, gagawin ko pa rin siya this November as Halloween special.

“Title ng short film is Tao Po written by my friend Angelo Katindig. Ang dating po ng short film is 'Hindi lahat ng kumakatok, tao.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ni Mich sa nasabing short film si Bryan del Rosario, miyembro ng all-male group na JBK at sumali sa Nasaan Ka, Mr. Pastillas? sa It’s Showtime.

Nagkakilala umano sila ni Bryan nang gumawa sila ng music video noong December 2014.

“Magkaibigan po kami. And pag nagkikita-kita kami, mas nagiging comfortable na kaming magkasama-sama ng mga friends.

“I think mas magiging close pa kaming lahat sa mga susunod na araw dahil sila ang mga makakasama sa short films ko.”

LIFE WITHOUT JAM. Nilinaw ni Mich na sinusubukan pa niyang buuin muna ang sarili matapos ang mga pinagdaanang pagsubok.

May mensahe si Mich para sa kanyang loyal supporters.

“Nagpapasalamat pa rin po ako nang sobra sa mga nandiyan pa rin para magbigay ng support kahit ano’ng mangyari.

“Sobrang nakaka-touch na lagi nilang pinaparamdam na kahit saan daw po ako masaya, masaya rin daw po sila at di ako iiwan.

“Kahit na minsan pakiramdam ko gusto ko nang mag-give up, lalo na in the past few months.

“Pero di sila sumuko sa pagbigay suporta. Kaya nagpapasalamat talaga ako nang sobra sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN