Regine Velasquez serenades Binan folk for a cause

Regine Velasquez stunned her audience when she performed for the benefit of Unlad Binan and Go Forward Binan foundations.



Malaking tagumpay ang The Songbird Sings In Binan concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa Alonte Sports Arena, Binan City, Laguna noong gabi ng December 6.

Ang nagbukas ng concert ay ang tubong Binan na si Zephanie Dimaranan, dating contestant ng The Voice Kids Philippines. Kinanta ni Zephanie ang ilang mga awiting pinasikat ni Regine.

Sumunod namang kumanta si Michael Pangilinan, isa sa mga miyembro ng boy band na Harana at isa sa final five contenders ng Your Face Sounds Familiar.

Unang kinanta ni Michael ang "Rude" na sinundan ng sarili niyang bersyon ng "Walang Kapalit."

Kinanta rin ni Michael ang hit song na "All Of Me" na sinundan ng isang medley ng mga ballads.

Huling kinanta ni Michael ang pinasikat niyang awitin na "Pare, Mahal Mo Raw Ako."

Pinaakyat ng male balladeer ang isang bading mula sa audience at sabay silang nag-emote habang kumakanta.

Malakas ang tilian ng audience, lalo na ng mga kababaihan at kabadingan, kay Michael.


MAIN EVENT. Sa main portion ng concert ay lumabas si Regine na naka all-black pantsuit.

Halatang malaki na ang pinayat niya.

Ang unang kinanta ni Regine ay ang dance version ng kanta niyang "Shine" na sinundan ng "Tuwing Umuulan" at "Araw Gabi."

Sumunod dito ay ang version ni Regine ng sikat na kanta ni Adele na "Hello."

Matapos ang isa pang kanta ay tinawag na ni Regine ang special guest niya at kumare, ang Queen of Soul na si Jaya na ang unang kinanta ay ang bersyon niya ng "Titanium."

Tulad ni Regine, naka-all black ensemble si Jaya.

Sunod na kinanta ni Jaya ang medley ng kanyang hits tulad ng "Dahil Ba Sa Kanya," "Laging Naroon Ka," at "Wala Na Bang Pag-ibig."

Sumunod dito ay ang medley ng mga awitin ni Michael Jackson: "One Day In Your Life," "Ben," at "I’ll Be There."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagay na bagay sa boses ni Jaya ang repertoire niya ng mga kanta ng King of Pop.

Bago ang sumunod niyang awitin, nagkuwento si Jaya kung paano unang nagtakpo ang landas nila ni Regine.

Ayon kay Jaya, 1996 sila unang nagkakilala ni Regine, sa benefit show para sa namayapang comic icon na si Bert “Tawa” Marcelo.

Si Bert at si Pilita Corrales ay hosts ng Ang Bagong Kampeon, kung saan naging champion si Regine noong 1984.

Baguhan pa lamang raw noon si Jaya sa showbiz kaya nahihiya siyang lumapit kay Regine. Pero ang Songbird pa raw mismo ang lumapit kay Jaya at nagpakilala ng sarili.

Sa puntong iyon, inawit ni Jaya ang "Through The Fire" ni Chaka Khan.

Matapos ito, muling lumabas sa stage si Regine. This time, nakasuot siya ng pulang outfit.

Nag-duet sila Regine at Jaya sa kantang "Halik" ng Aegis. Halos mayanig ang buong Alonte Sports Arena sa taas ng boses nila.

Matapos nilang kumanta, nagbiro si Regine na tumabingi raw ang boobs niya dahil sa taas ng kinanta nila.

Pag-exit ni Jaya, kumanta si Regine ng love songs medley.

Ayon sa Songbird, gustong-gusto niyang kantahin ang mellow songs na iyon from time time. Hindi niya kailangang bumirit. Isa sa mga kantang ito ay ang "Till They Take My Heart Away."

Ang sumunod na number ay duet nina Regine at Jay Mikah de Jesus, winner ng Regine sing-alike contest na idinaos sa Binan ilang linggo bago ang mismong concert ng Songbird.

Kinanta ng dalawa ang isa sa biggest hits ni Regine, ang "Dadalhin."

Pagkatapos ng naturang duet number ay solo na muling umawit si Regine ng medley ng kanyang mga awitin tulad ng "Fallin," "Ikaw," "Pangako," at "Kailangan Ko’y Ikaw."

Isang Christmas number ang sumunod dito, ang "All I Want For Christmas Is You" ni Mariah Carrey.

Matapos ang ilan pang kanta ay inawit na ni Regine ang finale number niya, ang "Defying Gravity" mula sa musical na Wicked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa sa mga naging punong-abala sa The Songbird Sings in Binan ay si Binan City Mayor Lenlen Alonte-Naguiat.

Ang concert ni Regine ay prinesent ng GMA Network, PLDT Home, Smart, Binan Councilor Gel Alonte, Vice Mayor Arman Dimaguila, Umenoya, Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas, Dela Rosa Transit, Rep. Dan Fernandez, Dada Reyes, Kap. Em Arzola, at bjproductions.

Si Raul Mitra ang musical director.

Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa Unlad Binan Foundation at Go Forward Binan foundations.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN