Apl de Ap to headline New Year's countdown at Phil Arena; INC will attempt two new Guinness records

(From left) Apl de Ap, Jose Manalo, Wally Bayola, and Paolo Ballesteros will perform during the New Year's countdown at the Philippine Arena.



Sina Pops Fernandez, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, ang Sandwich band at ang international Filipino singer na si Apl.de.Ap ang mga performer sa 2016 Countdown at New Year’s Celebration na magaganap sa December 31 sa Philippine Arena.

Ito ang 55,000-seater indoor arena na pinarangalan ng Guinness World Records bilang Largest Mixed-used Indoor Theater.

Pag-aari ng Iglesia ni Cristo ang Philippine Arena na pinagdausan ng grand premiere ng Felix Manalo ng Viva Films noong October 4, 2015.

Nagtala ng Guinness World Record ang pelikula tungkol sa buhay ni Felix Manalo, ang First Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo, dahil nakuha nito ang mga bagong world record para sa Largest Audience in a Film Premiere at Largest Audience in a Film Screening (43,624 attendees).

Sa December 31, dalawang official representatives ng Guinness World Records ang darating sa Pilipinas para saksihan ang pagtatangka ng Iglesia Ni Cristo na makuha ang tatlong world record na kinabibilangan ng Largest Fireworks Display na kasalukuyang hawak ng Norway (540,382 fireworks in a 20-minute show) at Longest Sparkler Relay.

Under construction na ngayon ang massive stage na magkakasya ang isang libong tao na gagamitin sa 2016 New Year Countdown ng Iglesia Ni Cristo na maituturing na pinakamalaki at pinaka-engrande na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang fireworks display na nakapalibot sa Philippine Arena at tatagal ng halos isang oras ang highlight ng New Year’s Celebration ng Iglesia Ni Cristo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN