Gloc-9 "gives back" to music industry; releases free single "Pareho Tayo''

Gloc-9 thanks his loyal fans with the release of his free single, ''Pareho Tayo.'' He says, ''Kaya nga po ako nagpapasalamat sa laging nandiyan para mag-abang ng mga produkto namin. Regardless kung may bayad o wala, nandiyan sila.''


Sa unang pagkakataon, sa loob ng 18 taon niya sa recording industry, naniniwala raw ang rap icon na si Gloc-9 na "it's time to give back."

Nag-release si Gloc-9 ng libreng kanta, ang "Pareho Tayo," na maaaring mapakinggan at ma-download nang libre sa Gloc-9 official sound cloud (soundcloud.com/glocdash).

Naniniwala raw si Gloc-9 sa kakayahan ng musika para makapagbigay-inspirasyon sa mga tao.

''Ako po, ang isang bagay na hinihiling ko kapag nakakapag-release ako ng kanta, kahit isang tao lang ang ma-inspire, sulit na ang kanta ko.

''Naniniwala rin ako sa mga kababayan natin abroad na OFW, e.

''Kung ito'y makakapagpalapit sa kanila sa Pilipinas o makakapagbigay sa kanila ng drive na magtrabaho pa para sa mga mahal nila, yun na ang isa sa pinaka-okey na reward na makukuha ng isang kanta.

"Naniniwala rin ako na kapag ang isang kanta ay nirecord namin o nirelease namin, hindi na po ako siya.

''It's a different entity. May sarili na siyang buhay kahit mawala ako sa mundo.

''Maka-inspire ako ng isang tao, kahit isa lang, boundary na.''

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gloc-9 sa pocket press launch ng bago niyang single sa The Lounge, Tomas Morato, noong January 13.

GRATITUDE. Ang mga tema ng kanta niya ay palaging nagbibigay ng pag-asa.

Dahil sa tema nito, ang bago ba niyang single na "Pareho Tayo" ay talagang itinaon niya para sa nalalapit na eleksyon?

Tugon ni Gloc-9, ''Lahat din po ng songs na ginawa ko... hindi ko naman dinidikta.

"Sana, sana... depende sa interpretation ng makaririnig, makatulong.''

Ano ang dahilan at kailangang libre niya ito i-release at libreng mada-download ng kahit sino gayong puwede namang may bayad katulad ng iba?

Paliwanag ng rapper, ''Noong ginawa ko po yung Music Museum na 18 years anniversary, na-realize namin na it's about time na gumawa ako ng kantang libreng mada-download ng lahat ng taong sumuporta sa amin ever since.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''For me, napakaliit na bagay lang nito at katulong kong gumawa ng kantang ito ay ang aking mga kabanda. Sila yung nag-ayos ng arrangement.

"Nagkataong may maliit na studio ang guitar player namin, doon namin ni-record.

''If ever na may mga gastos din kami, very minimal lang din.''

Sa isang banda, ano yung satisfaction na nag-release siya ng isang kanta na libre kumpara sa alam niyang nagbayad ang nakakuha nito?

Sabi ni Gloc-9, ''Kapag nagmu-mall show ako, minsan yung last mall show ko, ang product na ibinebenta namin is worth P550. Ito po yung DVD, Biyahe ng Pangarap.

''After the mall show, nagsa-sign ako ng mga bumili po.

''Honestly, naglalambot ang tuhod ko kapag nakakita ako ng bumili at nanood ng mall show, pero nakita ko na hindi naman siya nakakaangat sa buhay.

''Minsan, may nagpapa-sign sa akin na humahangos pa na hindi nga nakapanood ng mall show, pero bumili ng product para lang makita ako in person at makapag-sign.

''Alam ko na yung pinambayad niya na five hundred fifty pesos ay pinaghirapan niyang talaga at tinabi niya.

"I think, napapanahon naman na magbigay ako ng isang libreng bagay para sa kanila.

''Kapag sinabi ko pong ito po puwedeng i-download nang libre para sa kanila na, sobrang laking bagay ko po nun.''

Hindi naman kaya makaapekto ito sa hindi libreng album na meron siya?

''Kaya nga po ako nagpapasalamat sa laging nandiyan para mag-abang ng mga produkto namin.

"Regardless kung may bayad o wala, nandiyan sila.

''Sobrang excited lang po talaga ko ng isang bagay na libre para sa kanila,'' diin niya.

Ang isang single niya na nauna naman ay ''Payag'' ay independent release.

Yung video raw nito ang libre at ang ''Pareho Tayo'' ang libre ang kanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN