Does Erik Santos feel boxed-in by his tandem with Angeline Quinto?



Madalas magsama sa mga shows, concerts lokal man o abroad sina Erik Santos at Angeline Quinto.

Kagaya na lamang sa Royals, ang Valentine concert nila kasama sina Martin Nievera at Regine Velasquez na gaganapion sa February 13 sa MOA Arena at sa February 14 sa Waterfront Cebu.

Tinanong namin si Erik kung hindi ba siya naka-kahon dahil lagi niyang ka-tandem si Angeline?

“Ahm, hindi ko iniisip yun.  Kasi ini-enjoy ko kung ano yung team-up namin.  Its really..kumbaga nagwu-work siya to our advantage.  Kasi nagugustuhan ng mga tao yung team-up namin. Nagugustuhan ng mga tao yung mga music na prinu-produce namin.

“So, siguro nagkakatulungan kumbaga.”

Nangangako si Erik na hindi siya magdadamot sa detalye o kumpirmasyon kung sakaling nauwi nga sa official relationship ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa ni Angeline.

“Tulad nang nasabi ko kanina.  Na-try ko na yung both.  Na-try ko nang mag-girlfriend outside showbiz and sa parehong circle.

“It’s very hard, e.  Mahirap na to be involved with the girl who’s in the same industry. Kasi ang daming taong nakikialam, which is given na yun.

“So, much as possible, learning from that experience ngayon medyo  gaganon ako.  Alam ko na kung ano ang mangyayari.  Napi-picture ko na sa utak ko what can happen.

“Para mapangalagaan, ma-protektahan  yung what we have now alam ko na yung do’s and don’ts."

Ipinagdiinan ni Erik na hindi siya magdadamot o magtatago ng relasyon niya sa press.

Aniya, “Hindi naman, it would be better for both of us kumbaga, hindi namin ganon ilalabas yung..ultimong paghinga namin, kung saan kami nagpunta, kung anong regalo ang ibinigay namin sa isa’t-isa.  That isn’t healthy anymore.”




ON PERFORMING WITH MARTIN. Samantala, nakakaramdam na raw nang pressure si Erik sa papalapit na kantahan nila sa entablado ni Martin.

Nangingiting saad ni Erik, “Nakasama ko na siya sa mga concerts when he guested sa concert ko at sa iba pang mga shows na pinagsamahan namin.

“This time nga lang it’s going to be back to back show.  Mas may pressure nga lang kasi alam naman natin yung standard nila when it comes to performing, it’s really excellent. Excellence yung lagi nilang ipinapakita.

“I pray na lang to keep up with their standard and i-enjoy ko na lang yung journey of having the chance to perform with them on one stage.”

May ibang kakayahan raw si Erik na hindi alam ng mga hindi pa nakakapanood sa kanya.

Sabi pa niya, “Actually pag solo show madaldal rin ako, e.  Minsan nga ginaganyan na ako kasi lagpas na kami sa oras.  Pero this time i-enjoy ko na lang din.  Siyempre, sa dami ng mga naka-line up na songs kailangang makanta rin agad.

“Hindi naman kami puwedeng lumampas nang more than two hours kasi medyo mahaba na yun.”

Marami raw natutunan si Erik sa mga mga established singers tulad nina Regine at Martin.

Saad niya, “one is from ate Redge that you have to respect the people you’re working with, that’s important.  Kasi ire-respeto ka rin nila nang mas pa in return.  

“And from Kuya Martin naman, it doesn’t matter how small or big the venue is.  No matter or small or big young audience is.  You always have to give youre one hundred percent kasi you owe it to them.”
Hindi ka ba naiintimidate kay Martin lalo na pag nauna sila sa stage at pumatok sa mga tao?

Ani Erik, “siyempre, nakaka-pressure yun.  Pero tulad nga nang nasabi ko, I’m gonna try my best to keep up with their standards.  Mas maganda nga siguro na imbes na ma-intimidate ako, gamitin ko na lang yung intimidation ko nay un para mapaganda yung performance ko.

“Hindi naman ito kumpetisyon e.  Kumbaga, this is for the people. Hindi naman ito pagalingan, pag-kumparahan ng talent or yung kaya mong ibigay.

“Kasi kung ganon, they’re more seasoned compared to us.  Kung anuman po ang naabot nila nilang singers wala pa po kami sa kalingkingan nila.

“So, this February 13, it will be a night of love, celebration of life and it’s more of giving to people kung ano ang deserve nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN