Julie Anne San Jose gets Triple Platinum Award for Deeper album



Nakakuha si Julie Anne San Jose ng Triple Platinum award para sa kanyang Deeper album mula sa GMA Records.

Natanggap niya ang karangalan sa Sunday Pinasaya noong Linggo, January 24.

Pahayag ng Kapuso singer-actress, “Siyempre sobrang unexpected talaga kasi wala akong idea na, well unlike before sa SAS [Sunday All Stars] pagka binibigyan ako ng award, iyon nalalaman ko din na on-the-spot mismo.

“Tapos ito ngayon yung sa Deeper album naman, naulit na naman siya.

“Sobrang na-surprise talaga ako kasi I never expected na magiging ganun yung status niya.

“So I’m really, really thankful to the Lord kasi may bago na namang achievement and of course blessing.

“Saka nagpapasalamat din ako siyempre sa pamilya ko dahil sa inspiration na binibigay nila sa akin.

“And of course sa mga fans na patuloy pa rin po na nandiyan for me and sinuportahan nila ng husto yung album so thank you po.”

Isa si Julie Anne sa mga artista na todo kung suportahan ng mga fans ang lahat ng projects and endeavours.

“Sobrang ano po talaga sila, sobrang mapagmahal.”

Apat ang shows ni Julie Anne sa Kapuso Network; ang Buena Familia, Sunday Pinasaya, Pepito Manaloto, at Day Off (sa GMA News TV).

“Kaya sobrang tight po ng schedule ko,” ang natatawang sinabi pa ng dalaga.

Nagpapasalamat rin si Julie Anne sa publiko dahil extended hanggang March 2016 ang Buena Familia.

“Paganda po ng paganda yung story and talagang sinusubaybayan nila kami, unang episode pa lang hanggang ngayon.”


Mabuhay ang OPM! Adiks, salamat ng marami. Much love ?? MyJaps DEEPERTriplePlatinum

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN