Angeline Quinto on joining Martin Nievera and Regine Velasquez in a concert: "Sobra akong proud sa sarili ko."



Sa magaganap na Valentine's concert na Royals, masasabi ni Angeline Quinto na isa sa mga pangarap niyang natupad ang makasama sa isang major concert sina Martin Nievera at Regine Velasquez.

“Yes, oo naman po,” mabilis na sagot ni Angeline.

“Palagi ko nga pong naiisip, sa rami ng singing contest na nasalihan ko, parang ito ang pinaka-reward ko.”

Hindi naman itinatanggi ni Angeline na idolo niyang talaga si Regine.

“Si Ms. Reg, sobra ko siyang idol, as in talaga.  Hindi nga ako magsasawang sabihin sa kanya yun araw-araw.  Ewan ko na lang kay Ms. Reg, baka magsawa siya kakarinig, 'di ba po?"

Makakasama rin si Erik Santos sa naturang concert na gaganapin on February 13 sa Mall of Asia Arena. 

Pagpapatuloy ni Angeline, "Alam ko naman na alam yun ni Ms. Reg.  Si Erik at saka si Sir Martin.  Si Erik kasi, madalas naming pinag-uusapan.  Sabi ko nga sa kanya, dati palagi ko kitang pinapanood sa Star in A Million.  Okay na ko kahit sino ang manalo sa inyo ni Sheryn Regis.

“Alam niya na pinapanood ko siya dati. So ngayong nabigyan ako ng chance na makasama sila sa show, sobra akong proud sa sarili ko. Minsan nasasabi ko sa sarili ko, ang galing-galing mo kaya ka nandiyan, parang ganun po.

“Kesa isipin ko yung mga nangba-bash sa akin, yung 'Bakit si Angeline nandiyan?' Bakit nasingit, kasi nasa gilid daw ako sa poster, opo, totoo yun. 

"Ang sinasabi ko na lang po, kesa intindihin ko sila, bakit hindi ko na lang pagtuunan ang mga kanta ko para mas mapaganda namin ang show, kaming apat.”

Mga hit songs daw nila ang kakantahin nila sa Royals at gayundin ang mga bagong kanta na bibigyan nila ng ibang version.

Yung mga nakaraang Valentine’s Day, silang dalawa ba ni Erik ang magkasama?

“Actually, may sarili po kami. Pero last year po, nanood kaming dalawa ng concert nila Ms. Reg, yung Ultimate po. This year po, nasa Cebu naman kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN