Chad Borja will be joined by Roselle Nava, Nina, and other OPM singers at #LoveThrowback concert



Kapag Valentine's Day ay hindi pa rin nawawala sa eksena ang 1990s balladeer na si Chad Borja.

Simula noong sumikat si Chad bilang singer in 1992 dahil sa kanyang hit single na “Ikaw Lang,” tuwing Valentine’s Day ay parating meron siyang show sa iba’t ibang venues.

Tulad na lang sa February 13, kasama si Chad sa Valentine show titled #LoveThrowback sa PICC Plenary Hall kunsaan makakasama niya ang iba’t ibang singers ng magkakaibang dekada tulad nila Rico J. Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Wency Cornejo, Roselle Nava, at Nina.

Masaya si Chad na kinukuha pa rin siya para sa mga shows tuwing Araw ng mga Puso.

“Nakakatuwa dahil kahit na may edad na tayo, naaalala pa rin nila ako tuwing Valentine’s Day.

“From the start of my career kasi, hindi ako nawalan ng Valentine show noon.

“Kung hindi ako ang magsu-show, nakakasama ako sa mga shows noon nila Kuh Ledesma, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla at iba pa.

“Halos lahat ng mga singers noon nakasama at naka-duet ko.

“It just feels good na kapag dumarating ang ganitong mga special occasions, kasama tayo sa listahan ng mga gustong isama sa shows. I am very thankful for that,” pahayag pa ni Chad nang makapanayam namin siya sa press conference ng #LoveThrowback sa Luxent Hotel.

Aktibo pa rin si Chad sa pag-awit at patuloy ang paggawa niya ng shows abroad. Kasama si Chad sa grupong Hitmen nina Renz Verano at Rannie Raymundo.

“We just came back from a series of shows sa Qatar, Dubai and Abu Dhabi. Sa mga Filipino communities and OFWs kami madalas mag-show.

“Seasonal naman ang shows abroad kaya minsan nandito lang kami sa Pilipinas. We do shows here in Manila, Cebu and Davao.

“Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil in-demand pa rin kami kahit na marami nang mga mas batang singers ngayon.

“Iba pa rin daw ang music namin kaya inspired kami to perform parati kasi maganda ang nagiging crowd namin. Nakaka-relate sa mga tinutugtog namin,” ngiti pa ni Chad.

    

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN