Councilor Roselle Nava would love to return to the recording scene

(L-R) Raymond Lauchengco, Marco Sison, Roselle Nava, Gino Padilla, and Chad Borja will perform at the PICC Plenary Hall for the #LoveThrowback concert on February 13. 



Hindi pa rin na nawawala ang magandang tinig ni Roselle Nava kahit na ilang taon na ang nakalipas.

Kaya naman kinukuha pa rin si Roselle para sa mga special shows tulad na lang nitong Valentine show sa PICC Plenary Hall titled #LoveThrowback on February 13 kunsaan makakasama niya sina Rico J. Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Wency Cornejo, and Nina.

Nakilala bilang isa sa mahusay na singers ng dekada ‘90s si Roselle dahil sa mga hit songs niyang “Dahil Mahal Na Mahal Kita,” “Bakit Nga Ba Mahal Kita?” at ang cover versions niya ng “Say That You Love Me” at “You.”

Umani ng maraming awards bilang singer at mga gold and platinum awards para sa kanyang mga albums.

Natutuwa nga si Roselle tuwing maririnig niyang pinapatugtog at inaawit pa rin ang mga songs niya.

"I am happy na naaalala pa rin ng marami ang mga naging songs ko kahit na it’s been like 20 years na.

“Whenever I hear it played on the radio or may kumakanta sa TV o kahit sa videoke, I get goosebumps kasi nga those songs made me who I am as an artist.

“Kaya special ang mga 'yan sa akin because it gave me a place in the industry. That’s why I am always happy to sing those songs all over again,” pahayag pa ni Roselle nang makapanayam namin siya sa press conference ng #LoveThrowback sa Luxent Hotel in Quezon City.

Nagsimula si Roselle sa teen variety program ng ABS-CBN na Ang TV in 1992.

Ngayon sa edad na 39, dalawa na ang anak ni Roselle sa kanyang mister na si Allen Tan.

Nagsisilbi siya bilang konsehal sa 1st district of Paranaque City.

Sa darating na eleksyon sa May 2016 ay muling tatakbo si Roselle para sa kanyang 3rd term bilang konsehal.

“Yes I will be running again for my third term.

“Marami tayong naging projects sa Paranaque na hindi natin kayang maiwan pa.

“Every summer kasi, I have this free voice and dance workshop. Marami kaming natulungan na mga bata to improve on their talents.

“Yung ibang projects naman ay para sa mga schools. Nagbibigay kami ng mga libreng school supplies and uniforms. Tapos we have medical missions, feeding programs and livelihood projects for everyone.

“Ngayon kasi Paranaque is booming because of the rise of these big resort hotels like Solaire, City of Dreams, and other entertainment venues. May ordinance sa Paranaque na 40% of the employees must be residents of Paranaque City.

“Para naman mabawasan ang unemployment rate sa aming siyudad. Maganda na lahat ay may trabaho,” diin pa ni Roselle.

Nami-miss na ni Roselle ang gumawa ng album at iyon ang balak niyang gawin kapag hindi na siya busy sa politics.

“I really miss singing and performing.

“Kapag hindi na tayo busy sa politics, I would love to go back to recording.

“I want to revive my songs again na may ibang areglo and do cover versions of other songs.

“Singing will always be my first love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN