Jackie Ejercito says Tinig ng Maynila singing contest hopes to reach out to Manilenos

Jackie Ejercito talked about the objectives of Tinig ng Maynila, a singing contest that is a joint project of the City of Manila and Viva Live.




Ang anak ni Manila City Mayor Joseph Estrada na si Jackie Ejercito ang humarap sa entertainment press sa grand launch ng Tinig ng Maynila, ang first-ever singing contest sa Maynila na joint project ng City of Manila at ng Viva Live.

Ipinagmalaki ni Jackie ang 12 grand finalists ng Tinig ng Maynila na magtatagisan ng husay sa pagkanta sa February 19 at mapapanood ito sa delayed telecast sa TV5.

Ayon kay Jackie, ang Tinig ng Maynila ang isa sa mga paraan upang marinig nila ang mga hinaing ng mga Manileno.

Saad niya, “Ginawang vehicle ang Tinig ng Maynila para marinig ang mga hinaing ng Manileno at tina-try namin na aksyunan, right away yung mga concern nila.

“Thirteen to 39 years old ang contestants at gusto namin na maka-discover ng singing superstar sa Maynila.

“Naniniwala ako sa mga Manileno dahil grabe ang talent nila like Sarah Geronimo is also from Manila.”


NO TO POLITICS. “Hindi” ang mabilis na sagot ni Jackie nang tanungin kung may plano ba siya na sundan ang yapak sa pulitika ni Joseph Estrada kapag natapos na ang term nito bilang alkalde ng Maynila.

Sinabi ni Jackie na papasok lamang siya sa pulitika kapag ipinag-utos ito ng tatay niya na malayo na mangyari dahil over-protective sa kanya ang dating pangulo ng Pilipinas.

Kung may pinapaboran man si Jackie, ito ay ang pagpasok sa showbiz ng kanyang half-brother na si Jake Ejercito.

Aware si Jackie na nadagdagan ang fans ni Jake mula nang mapanood ito sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

(View pics: Yaya Dub: Si Jake ang nag-inspire sa akin na mag-aral ng mabuti.")


Nagpahayag naman si Mayor Erap na ang Tinig ng Maynila ang pagkilala sa likas na galing ng mga Manileno sa pag-awit.

“Kilala bilang sentro ng komersyo at turismo ang Maynila pero sa pagkakataong ito, makikilala rin ang ating mahal na lungsod sa galing ng ating mamamayan sa pag-awit.

“This is not just an ordinary singing contest. Alam ko ito dahil hindi lang ang contestants ang mapapakinggan natin kundi maging ang mamamayan natin na may nais iparating sa ating mga opisyal, kabilang ang inyong lingkod, sa pamamagitan ng mga proyektong ito kaya sa bawat audition na ating gagawin sa mga barangay, magkakaroon ng pagkakataon ang ating mamamayan na sabihin sa mga lokal na opisyal ang kanilang nais sabihin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN