Papa Jack gearing up for Magic Mike production number in his upcoming Big Dome concert



Ayaw i-reveal ni Papa Jack kung ano ang gagawin niya sa Valentine concert na Panahon Ng May Tama #Comic-Kilig.

"Well actually po every week, may gigs ako sa Padi's Point, Saturdays and Sundays, Baguio, Olongapo, Angeles. I play [the] guitar, I do acoustics po, kumakanta ako.

"Gagawin ko din po 'yan sa concert plus meron silang ipapagawa sa akin that would require me na mag-rehearse," at tumawa si Papa Jack.

Biniro lang namin si Papa Jack na baka magma-Magic Mike number siya pero tila iyon nga yata ang gagawin niya.

"Parang ganun," at tumawa ang sikat na radio DJ.

Isang performance na makapagpapainit sa female and gay audience ang gagawin niya.

"Parang ganun na ho."

May advice portion rin siyang gagawin na tulad ng ginagawa niya sa sikat niyang radio program na TLC o True Love Conversations at Wild Confessions sa 90.7 Love Radio.

"May flavor pa rin ng ganung Papa Jack side, with a twist."

Nakausap namin si Papa Jack sa presscon ng Panahon Ng May Tama sa Max's restaurant sa Scout Tuason noong January 29.

Ang Panahon Ng May Tama concert nina Gladys "Chuchay" Guevarra at Boobsie Wonderland with Ate Gay and si Papa Jack ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa February 13.

Ito ay produced ng CCA Entertainment Productions Corporation ni Joed Serrano at sa direksyon ni Andrew de Real.

Ano ang pakiramdam na mula sa DJ's booth niya sa Love Radio ay "isasalang" siya sa Big Dome na napakalaking venue para mag-concert?

"Nung isang gabi nga po pinag-uusapan namin sa ere nung caller ko na after nung concert sa Araneta, meron akong naka-line up na gig sa Padi's Point Araneta sa labas.

"So sabi ko sa radyo, at least anu't anuman ang sapitin nung event kako, babalik ako sa Araneta, sa labas na nga lang," ang tumatawang kuwento ni Papa Jack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati na ba siyang kumakanta professionally?

"Hindi po ako singer, I just love playing the guitar. E, yung Padi's Point naman willing akong bayaran para tumugtog sa harap ng mga tao," at muling tumawa si Papa Jack.

Si Papa Jack ang binansagang Phenomenal DJ dahil sa success ng kanyang radio program.

"Title na po ba yun? Talaga?

"Ah okay. Sorry po, hindi kasi ako talaga maano, e, lahat po ng ginagawa ko sa industriya, just the term industriya nga po nahihiya akong sabihin kasi parang hindi ko binibigyan ng karapatan ang sarili ko na, 'Nandun na ba ako sa ganun?'

"But I think my program, it's doing good, siguro gauge ko na rin po yung every night I get...napakadami kong bisita, na hindi ko maintindihan, na inaabot ako minsan ng dalawang-daang tao na dumadalaw sa booth!

"Hindi ko maintindihan. At madalas po may mga nanggagaling pa ng Norzagaray, Los Banos, para puntahan ako.

"Siguro they get something out of the show."

Mas marami ba siyang callers na babae kaysa lalaki?

"Pareho lang po.

"Ang ikinagugulat ko lang po talaga kapag may tumatawag sa akin na de-kalibre yung propesyon. Like lawyer, doctor, na minsan I even doubt them. [Tinatanong ko], 'Talaga bang lawyer ka?'

"But you ask them about law, nasasagot naman nila," at muling tumawa si Papa Jack.

"And kung yung tanong niyo po yung about sa pagiging DJ, pagiging isang hamak na DJ, na alam niyo naman maliit lang ang suweldo ng DJ, di ba? Kundi ka naman raraket hindi ka kakain ng masarap, tapos bar gigs, tapos Araneta Coliseum, overwhelming po talaga.

"Bihira ang DJ na nabigyan ng pagkakataon na kumita ng malaki at humarap sa maraming tao."

Dahil phenomenal ang kasikatan ni Papa jack, maraming disc jockeys ang gumagaya sa kanya.

"Ayokong maniwalang ginagaya kasi kung sakali, pag sinabi kong ginagaya nila ako, ako lang din, gumaya lang din, e. Di ba? Hindi naman ako yung unang nagbibigay ng advice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Big fan raw siya ni Joe D'Mango na isa mga mga pioneers sa pagbibigay ng advice sa radio sa mga may love problems.

Bakit nga ba nalinya si Papa jack sa pagbibigay ng payo on air?

"Nung bata po ako na nangangarap akong maging DJ, iyan na po yung aking, kumbaga, iyan yung image ng pagiging DJ sa utak ko."

Ano ang nararamdaman niya na maraming gumagaya sa kanya?

"Siguro ano po, proven yung formula na kapag mas tao kang magbigay ng advice, mas maiintindihan ka ng masa."

Naniniwala rin si Papa Jack sa kasabihang 'imitation is the highest form of flattery.'

"Yeah, opo naniniwala po ako pero gusto kong magpaka-humble na nakakatuwa na may gumagaya, na ibig sabihin nare-recognize yung formula mo, na it's working."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN