DJ Papa Jack misses doing theater plays; says he is open to joining showbiz

Papa Jack almost turned down the opportunity to perform at the Araneta Coliseum for their Panahon Ng May Tama concert.



Bukas ang kaisipan ni Papa Jack sa pag-aartista.

“Kailan lang po, tinext ko si Nanay GG, sabi ko, ‘Nay, nami-miss ko ng mag-teatro!’”

Manager ni Papa Jack si GG Lualhati.

“Kasi [sa] teatro po ako talaga, e.

“Sabi ko, ‘Nay, hanapan mo naman ako ng pupuwedeng workshop.”

Noong nag-aaral si Papa Jack sa college ay active siya sa stage plays.

Nakausap namin si Papa Jack sa presscon ng Panahon Ng May Tama concert sa Max’s restaurant sa Scout Tuason.

Ang Panahon Ng May Tama concert nina Papa Jack, Gladys “Chuchay” Guevarra at Boobsie Wonderland with Ate Gay ay gaganapin sa SMART Araneta Coliseum ngayong Sabado, February 13.

Ito ay produced ng CCA Entertainment Productions Corporation ni Joed Serrano at sa direksyon ni Andrew de Real.

Aware si Papa Jack na malakas ang impluwensiya niya sa mga kabataang listeners niya sa radio.

“Opo, opo, aware po ako dun.”

Sa palagay niya ay bakit click siya sa publiko sa pagbibigay ng advice sa kanyang radio shows sa 90.7 Love Radio; ang TLC o True Love Conversations at Wild Confessions?

“Kasi po yung pagbibigay ng advice parang hindi siya fluke, e. Hindi siya yung parang nangyari lang tapos mamamatay siya, hindi siya overnight na sumikat.

“It took a very long time bago siya pinakinggan at naka-relate yung mga estudyante. I speak their language. Tapos madalas po ako sa schools, I do talks.

“I always go to schools, kumbaga natutuwa akong makita yung mga bata kaya lang ang requirement ko pag pumunta ako sa eskuwelahan ayokong pag-usapan ang love.

“Dati po kasi akong professor. Sa PUP, major subjects po sa college.

“So bumabalik po ako sa eskuwelahan palagi para i-discuss pero ang lagi ko pong topic po dangers of the internet. Di ba, with today’s youth?”

Dahil iyon pala ang topic niya madalas, ano ang opinyon niya sa pagkalat sa social media ng mga sex video scandals diumano ng mga celebrities?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually nagiging topic ko nga yan. Sa mga kabataan, huwag nang ikalat, ano?

“I mean, yung mga kabataan na makakapanood, huwag nang i-share. Di ba? I mean if you can’t help yourself to… na panoorin yun, huwag nang ikalat.”

Ano naman ang payo niya sa mga gumagawa mismo ng video?

“Huwag ng gumawa ng video, pribado, e, di ba?”

Bilang isang sikat na radio jockey, gaano kaingat si Papa Jack sa kanyang image?

“Open book naman po yung buhay ko, e. Open book.”

Bilang magaling siyang magbigay ng advice, paano siya nag-iingat? Na para maging credible siya ay wala siyang eskandalo.

“Nag-iingat po ako, ang unang kunsiderasyon ko, hindi yung sarili ko. I have a daughter, I have an eleven-year-old daughter na nagdadalaga na.

“Single dad po ako bago ako nag-asawa.”

Ikinasal si Papa Jack noong April, 2013 sa asawa niyang si Toni Rose Maniago.

“At para sa asawa ko po,” dagdag pa niyang sinabi tungkol sa pag-iingat niya sa kanyang image.

Dahil guwapo at sikat, lapitin siya ng tukso.

“Hindi po nawawala yung temptation, laging merong temptation pero siguro po dumating ako sa punto na… dalawa na yung chicks sa buhay ko: yung daughter ko tsaka yung asawa ko, so…”

May caller ba siyang nang-aakit o nag-aalok ng indecent proposal?

“Yung mga callers ko po thankfully, oriented sila that when they call the show, hindi ako yung topic, sila.”

Wala raw naglandi sa kanya.

“Kasi po pag nasa booth ako, pag may dumadalaw po, maharot ako sa kanila.

“Nakikipag-jamming ako sa booth, nakikipagharutan, nakikipagkuwentuhan.”

Iyon ba ang paraan para huwag siyang landiin?

“I guess, opo. It kills the mystery!”

Paano siya na-convince na sumali sa isang concert sa Araneta Coliseum?

“Actually ako po, I almost turned it down. Hindi dahil ayoko o maarte.

“Ayokong maniwala na kaya na ng market ko ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos si Nanay GG, sabi niya sa akin,’Na-imagine mo ba, every night, di ba problema ng kumpanya niyo kung paano magkakasya ang tao sa booth,’” at tumawa si Papa Jack.

Ngayon nga ay sa Big Dome na siya pupuntahan ng mga fans niya.

At tila siya lang ang radio jockey na magkakaroon ng pagkakataon na mag-concert sa Araneta Coliseum?

“I’m so blessed! Siguro po ano, sobra yung opportunity na makilala ko si Sir Joed, pagkatiwalaan niya ako, at maging fan siya ng programa. Kasi every now and then po, magte-text si Sir Joed, nakikinig siya.”

“Sabi ko, ‘Sir Joed kaya ko ba ‘to?’

“Sabi niya, Nung unang-una akong may prinodyus na malaking tao na siya ngayon, ganyan din yung pakiramdam.”

Kasabay nila bukas sa SM Mall Of Asia Arena ang Royals concert nina Regine Velasquez, Erik Santos, Angeline Quinto at Martin Nievera.

“Ninenerbiyos po ako pero kino-comfort ko yung sarili ko that I am in the company of very good comedians,” pagtukoy ni Papa Jack kina Gladys, Boobsie at Ate Gay.

Aniya, comic-kilig ang concert nila.

“Opo. Dalawa siguro ang mukha ng pag-ibig, isang masaya, [isang] seryoso, di ba dun kami sa masaya, dun sa kuwela.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN