Yasmien Kurdi rekindles singing career via all-star charity album

Aside from being elated about rekindling her singing career, Yasmien Kurdi is also happy about her new album's beneficiary: "Ang maganda ay hindi lang ako nakabalik sa pag-awit, may mga matutulungan pa kami dahil sa kikitain ng One Heart album."



Sa Valentine’s Day ay nakasama ng GMA-7 actress na si Yasmien Kurdi ang kanyang anak na si Ayesha.

Wala raw kasi ang mister niyang si Rey Soldevilla, Jr. dahil may biyahe ito sa mismong Araw ng mga Puso.

“Oo, at medyo kulay blue po ang kulay ng Valentine’s Day ko.

“May work si Rey at siyempre, priority niya ang trabaho niya. Para rin sa amin iyon.

“Kaya kami na lang muna ni Ayesha ang magkasama sa Valentine’s Day.

“Baka sa bahay lang po kami. Alam n’yo naman kapag ganyang araw, traffic at puno ang mga restaurants.

“Bahay na lang kaming dalawa at magluto na lang ako,” pahayag pa ni Yasmien nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng One Heart ng GMA Records noong February 11 sa GMA Network Center.

LOOKING FOR NEW MANAGER. Matagal na nabakante si Yasmien sa paglabas sa teleserye nang magtapos ang Yagit noong nakaraang taon.

Ayon pa sa aktres, naghihintay lang daw siya ng susunod niyang teleserye sa GMA-7.

Sabi niya, “Paminsan-minsan po naman may mga guestings ako sa ibang show like Magpakailanman. Pero iba kapag may regular show ka, di ba?

“Na-miss ko ang maging busy sa taping.

“Hopefully, this year magkaroon na po ako.”

Wala raw kasing manager si Yasmien ngayon at nasa plano niya na kumuha ng manager para may mahanapan siya ng trabaho.

“Akala po kasi ng marami na kay Nay Lolit [Solis] pa ako. Matagal ko na po siyang hindi manager.

“Naghahanap nga po ako ng kung sino ang puwede para may nag-aasikaso sa akin.

“Kailangan ko lang ng taong magpu-push sa akin para malaman naman nila na available ako for work.

“Baka kasi akala ng mga talent coordinators ay hindi ako puwede at busy ako.

“Matagal na po akong naghihintay ng bagong work. Please, kunin niyo naman ako!” natatawang emote pa ng StarStruck Season 1 alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO RECORDING. Na-excite naman si Yasmien dahil nakabalik siya sa recording pagkatapos ng mahabang panahon.

Kung matatandaan ay isa si Yasmien sa pinaka-promising na recording artists may sampung taon nang nakakaraan.

Naging big hit ang kanyang debut album sa ilalim ng GMA Records titled In The Name of Love.

Naging hit ang singles niyang “In The Name of Love” and “I Know.” Nanalo rin ng ilang awards si Yasmien dahil sa album niyang iyon.

Pero na-cut short ang pagiging singer ni Yasmien nang magpaopera ito sa lalamunan dahil may kailangang tanggalin na cyst sa kanyang vocal chords.

Kinatakot ni Yasmien na baka hindi na siya makakanta ulit.

“Kasi walang guarantee na after the operation ay gano'n pa rin ang singing voice ko.

“Pero ang nangyari ay mas tumaas pa ang range ng boses ko.

“So parang nakatulong pa yung nangyaring operasyon sa akin.

“Noong mag-recording po ako for One Heart, doon ko naramdaman na na-miss ko ang recording studio.

“Gusto ko naman one day ay makagawa ulit ako ng album.

“Ang maganda ay hindi lang ako nakabalik sa pag-awit, may mga matutulungan pa kami dahil sa kikitain ng One Heart album,” pagtapos pa ni Yasmien Kurdi.

Kasama nga si Yasmien sa One Heart, isang all-star charity album ng GMA Records kunsaan kasama niya sina Maricris Garcia, Julian Trono, Rita Daniela, Ralf King, Glaiza de Castro, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, James Wright, at marami pang iba.

Ang kikitan ng album mula sa digital downloads nito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN