Jadine In Love concert seals romance of James Reid and Nadine Lustre

More than the lavish production numbers and noteworthy musical performances, Jadine In Love, the first major concert of James Reid and Nadine Lustre's very popular love team, became even more memorable because it served as the venue for the much-awaited admission of their love for each other.



Very successful ang naganap na kauna-unahang major concert nina James Reid at Nadine Lustre, na mas kilala sa tambalan nilang binansagang Jadine, na masasabing isa sa pinakasikat na loveteam ngayon.

Ang concert nilang Jadine In Love ay ginanap kagabi, Sabado, February 20, sa Smart Araneta Coliseum.

Tulad ng inasahan, punung-puno ang Big Dome ng kanilang mga loyal fans na Otwolista at JaDinenatics.

Kahit ang mga aisle ay walang madadaanan dahil nakaupo na rito ang ibang mga nanonood na kahit wala nang upuan ay bumili pa rin ng tickets.



EXCELLENT PRODUCTION. Maganda ang production design ng stage at alam mong pinaghandaan at hindi basta-basta concert lang.

Malaking bagay na parehong mga singers at performers sina James at Nadine na 95% ng mga production numbers ay talagang sila ang nag-perform.

Umpisa pa lang, very sexy na si Nadine sa mga outfit nito habang duet sila ni James sa kantang pinasikat ni Charlie Puth na “Marvin Gaye.”

Sweetness overload na kaagad ang dalawa sa mga unang production numbers pa lang; yakapan kung yakapan, at talagang yung mga mukha nila habang kumakanta ay sobrang lapit sa isa’t isa.

Sabi ni James, “Hindi ko akalain. Dream ko lang siya dati.”

Ang tinutukoy nito ay ang concert nila sa Big Dome at ang makitang punong-puno ito.

Nang kantahin nila ang “It Might Be You,” habang kinakanta ni Nadine ang linyang "something’s telling me it might be you,” nakita namin nang bumuka ang bibig ni James at sabihin niyang, “Okay.”

Sobra ang kilig ng mga manonood na talagang nagsisigawan sa mga pagpapakilig nina James at Nadine.

“Hubby” at “Wifey” ang tawagan nila, na siyang tawagan nila sa kanilang OTWOL primetime series sa ABS-CBN.


GAME. Nagkaroon din ng game sa concert ang dalawa na tinawag nilang “Kiss o Sagot.”

Ang unang tanong para kay James: “Tingnan mo si Nadine mula ulo hanggang paa. What for you is her sexiest body part?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ito ni James ng “legs.”

Sakto naman na naka-shorts talaga si Nadine sa part na yun na kitang-kita ang legs nito.

Sumunod na tanong naman kay Nadine, “Kapag nakikita mong topless si James, ano ang tumatakbo sa isip mo? Kasi kami hindi namin kinakaya. Buti kaya mo girl.”

Pabirong sagot ni Nadine, “Kayo [crowd] ang naiisip ko.”

Pero pahabol niya, “Medyo nasanay na 'ko. Medyo marami na ring beses.”


YASSI AND MYRTLE. Sina Yassi Pressman at Myrtle Sarrosa ang dalawa sa special guests nila sa concert. Kumanta sina Yassi at Myrtle kasama si Nadine at ayon sa dalawa, pareho nilang kaibigan si Nadine.

Nakilala ni Yassi si Nadine noong gawin nila ang Diary ng Panget, ang pelikulang naglunsad din sa tambalan nina James at Nadine may dalawang taon na ang nakararaan.

Ayon naman kay Myrtle, kilala na raw niya si Nadine noong nagko-cosplay pa ito.

Ibinuko ni Yassi na noong nasa Korea raw sila, binilhan ni Nadine ng dalawang hats si James.

Sabi naman ni Myrtle, “Tamang-tama ang pangalan ng concert nila.”

Naging emosyunal naman si Nadine nang awitin nito ang kantang “Pana-Panahon” ni Noel Cabangon. Inihahandog daw niya ang naturang awitin sa kanyang namayapang lola.

Si James naman, nag-perform ng mga Justin Bieber medley.


DANCE NUMBERS WITH ELMO AND VICE GANDA. Special guest din sa concert si Elmo Magalona, na ayon kay James ay matagal na niyang kaibigan.

Nagsayaw ang dalawa ng “Nae Nae” at “Twerk It.”

Saka pumasok ang isa pa sa special guest nila na si Vice Ganda.

As expected, tawanan talaga ang segment na ito kunsaan inaasahan na rin na “paglalaruan” ni Vice sina Elmo at James.

Dahil nga sa pagsasayaw ng “Nae Nae” ng dalawa, humirit si Vice na sana raw, naging sahig na lang siya.

May instant dance lesson pa ang tatlo.

Inamoy rin ni Vice ang kili-kili ni James at sabi nito, “Kahit makasalanan ako, para akong nakapunta sa langit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa, tawanan ang lahat at naging game naman sina James at Elmo sa mga hirit ni Vice sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat din si Vice kina James at Nadine na naging bahagi ng top-grosser Metro Manila Film Fest entry niyang Beauty and the Bestie kahit daw sobrang busy ng dalawa noong panahong sinu-shoot nila ang pelikula.


SENSUAL DANCE. Isa sa best production numbers sa Jadine In Love ang sensual dance number nina James at Nadine.

Dito pa lang, talagang masasabi naming sulit na sulit ang ibinayad ng mga nanood ng concert.

Ang husay nina James at Nadine sa kanilang sensual dance number pagkatapos na ipakita ang spoken word segment ni Juan Miguel Severo.

Puwedeng sabihin na ang kawalan ng inhibition at pagiging all-out nina James at Nadine kumpara sa ibang mga loveteams ngayon ang isa sa pinaka-bentahe at pagiging unique ng tambalan nila.


ON THE WINGS OF LOVE. Nag-perform din sina Erik Santos at Kyla ng theme song ng On The Wings of Love habang nagkagulo at nasurpresa ang lahat sa paglabas muna ni James sa patron at lower box section ng audience habang nakasuot ng tuxedo.

Guwapong-guwapo si James sa kabuuan ng concert habang si Nadine ay may kakaibang ganda at pagiging sexy din.

Sumunod na lumabas si Nadine na naka-white gown. Puwedeng isipin na kasal ang eksenang yun at saka binuksan ang telon at ipinakita ang orchestra habang umaawit din ang dalawa.

Sabi ni Nadine, “Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito tayo. Parang ayoko nang matapos ang gabing ito.

“Masaya ako kasi, ikaw ang kasama ko.”

Ang awiting “Ikaw” naman ay kinanta ni James at sinabing idine-dedicate raw niya kay Nadine.


THANKS TO LOYAL FANS. Nagpasalamat sila sa lahat ng Otwolista na ginawang successful at phenomenon ang kauna-unahang teleserye raw nila.

Tinanong ni Nadine si James kung ano ang pinaka-memorable scene na ginawa nito sa serye nila. Sabi ni James, hindi pa raw nangyayari kaya sigawan na naman ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nadine naman, ang first kissing scene raw nila dahil first ever kissing scene nga raw yun nina Clark at Leah at talagang kinabahan daw siya.

Kasunod nito ay ipinakita ang ilan sa mga naging memorable scenes sa OTWOL at ang finale week.

Pinaakyat din sa stage ang buong cast ng primetime series nila na buong suportang pinanood sina James at Nadine.

Dito nila in-announce ang kanilang sorpresa na para sa finale ng OTWOL, buo ang cast ng teleserye na magpe-perform sa Yñares Gym sa Antipolo.


REVELATION. Siyempre pa, ang isa sa maituturing na highlight ng concert ay hindi pala ang inaasahan ng karamihan na baka mag-lips to lips din sina James at Nadine tulad ng ginagawa nila sa serye nila.

Sa halip, ang hindi inaasahang pagpu-profess ng nararamdaman ni James kay Nadine nang sabihin nito ang katagang, “I love you” na sinuklian naman ni Nadine ng mahigpit na yakap.

Saka lang nalaman nang umamin mismo sina Nadine at James na simula noong February 11 ay opisyal na ang relasyon nila. Hindi na lamang for reel kundi for real na rin.


(To view photos from the concert, CLICK HERE)








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN