Sharon Cuneta mounts "Megathirty" on 08-08-08


Sharon Cuneta will celebrate her three decades as a singer via an anniversary concert titled Megathirty at the Araneta Coliseum. It will be held on on August 8, 2008 at 8 p.m.



Masayang-masaya si Megastar Sharon Cuneta sa ibinahaging tribute sa kanya ng mga Kapamilya sa ASAP '08 noong nakaraang Linggo, July 27. Muli niyang narinig ang ilan sa mga awiting sinasabi niyang naging bahagi ng kanyang pagkatao at mas lalo siyang na-excite nang awitin ang mga ito ng ilan sa mga personal niyang hinahangaan at mga kaibigan sa industriya.


Napagsama-sama sa naturang variety program sina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Geneva Cruz, Raymond Lauchengco, Randy Santiago, Gino Padilla, plus yung mga ASAP top singers gaya nina Kuh Ledesma, Gary Valenciano, at the Champions na sina Christian Bautista, Rachelle Ann Go, Erik Santos, Sarah Geronimo, at marami pang iba. Lahat sila ay umawit ng mga Sharon Cuneta songs.


"Parang preview na rin ng mangyayari sa August 8," sabi ni Megastar matapos niyang ibalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano siya lalong na-excite sa nalalapit na Megathirty event sa Araneta Coliseum.


Sa loob ng 30 years ni Mega sa industriya at sa dami ng kanyang mga hits songs, naitanong ng PEP kung ano para sa kanya ang tatlong kanta na masasabing kanyang "pinaka?" Nahirapan man dahil aniya ay masyadong marami, nagbigay pa rin ito ng tatlong titulo at maikling paliwanag.


Panimula niya, "naku ang dami. I can even even enumerate more than dozens. Pero sige, tatlong pinaka-para sa akin for some reasons: "Dear Heart" because that was the song that really started it all. It was one song that introduced me to a mature me, in showbiz, and that song reminded me of so many happy moments in my being young."


Early 80's niya inawit ang "Dear Heart" na siya ring naging title ng first full-length movie niya. "I had a brief role in Balatkayo movie then as a singer promoting her song 'Mr. DJ.' I really had great time and fun singing Mr DJ., pero yung Dear Heart talaga, ang masasabi kong unang-unang mature song for me," paliwanag ni Shawie sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Next would be 'Kahit Wala Ka Na' because that was the song that served as the culmination of those hardest and most difficult times in my life. Kumbaga, yun yung song na nag-end ng isang magandang chapter sa buhay ko at nag-open ng panibago in its entirety, as new," kuwento pa ng Megastar. Kahit Wala Ka Na is another movie that she did with Richard Gomez in the '90s. "Yun kasi yung song na talagang naglalarawan ng naging turning point ng mga personal struggles ko noon," dagdag nito.


"The third would be 'Sana'y Wala Nang Wakas.' That is the song for my fans, for the people, for everybody whom I can't thank enough. For anything which I can no longer have. Kumbaga, legacy ko na rin yang kantang iyan sa industriya bilang awit ng pasasalamat sa lahat ng pagmamahal at respetong natanggap ko," paliwanag ni Shawie.


Sana'y Wala Ng Wakas again is a mega-hit movie title she did with her friends Cherie Gil and Dina Bonnevie.


Basta ang pangako ni Shawie sa PEP, in her upcoming Megathirty concert on August 8, "lahat ng mga kanta kong naging bahagi o ginawang bahagi ng mga tao sa buhay nila, maririnig nila. There will be new arrangements, at malamang mga bagong emosyon, pero for sure, once na marinig nila uli, talagang babalikan nila ang mga unang panahong narinig nila yun."


Si Louie Ocampo ang magsisilbing musical director ng show, habang ang dating ka-love team niyang si Rowell Santiago naman ang stage director at si Mr. Johnny Manahan naman ang magdidirek ng TV coverage nito. Ang kaibigan niyang si Douglas Nierras naman ang choreographer.


Mabibili ang tickets para sa Megathirty sa lahat ng Ticketnet outlets (Tel. No. 911-5555) at sa Artist House (Tel. No. 8174660 / 8151953).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN