Ryan Cayabyab: "No competition between PhilPop, Himig Handog."

Ryan Cayabyab (first row, fourth from left, shown with 12 PhilPop 2016 finalists) points out the difference between the Philippine Popular Music Festival (PhilPop) and Himig Handog K-Pop Love Songs of ABS-CBN. He says, "Ang Himig Handog, I think they are concentrating on love songs. Ang PhilPop kasi is open genre, open themes. So hindi kami namimili."



Gustong linawin ni Maestro Ryan Cayabyab na hindi nakikipagkumpetisya ang Philippine Popular Music Festival (PhilPop) sa isa pang songwriting competition na Himig Handog P-Pop Love Songs ng ABS-CBN.

Si Ryan ang tumatayong Executive Director ng PhilPop.

“We are complementing each other, e.

“I don’t think na we are competing because we support Himig Handog.

“As a matter of fact, every time they come out in social media, isine-share ko iyon, e.

“Kasi ang mananalo rito yung songwriters. Ang winner dito yung songwriters.

“We want to ask people, young people to write about their experiences.

“The more choices, the better,” paliwanag ni Ryan.

Todo ang suporta ni Ryan sa Pinoy songwriters na katulad niya, kaya lahat daw ng songwriting competitions sa bansa ay sinusuportahan niya.


DIFFERENCE. Hindi naman daw dapat pagkumparahin ang PhilPop at Himig Handog dahil may pagkakaiba naman daw ang mga ito.

Pagklaro ni Ryan, “Ang Himig Handog, I think they are concentrating on love songs.

“Ang PhilPop kasi is open genre, open themes.

“So hindi kami namimili, kung ano yung sinubmit, parang they’re pitting against each other.

“Maganda rin naman kasi yung sa Himig Handog, very focused yung hinahanap nila.

“So, writers should write about that, yung focus na iyon. Sa PhilPop, anything goes.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa announcement at presscon ng Top 12 finalist ng PhilPop 2016 na ginanap sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.


TOP 12 FINALISTS. Masaya si Ryan dahil nasa panglimang taon na ang PhilPop. Excited siya dahil ibang-iba raw ang mga entry ngayong taon kumpara sa naunang apat na kumpetisyon.

“This is the first time that we have a very few slow songs and this is the first time that PhilPop receives a lot of fast songs, a lot of uptempo materials, a lot of dance materials, upbeat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m excited because the sound is very young. And I think this is what we should rejoice in, that PhilPop is really going to the younger composers.

“I’m not saying na iniitsapuwera natin yung mga older composers, but it seems like siyempre the listeners are also young, so they would prefer listening to younger sounding materials.

“And yung kanilang pinagsususulat kakaiba, e, mayroon silang tema,” sabi pa ni Ryan.

Ipinagmamalaki ni Ryan ang napili nilang mga bagong awitin at composers ng mga ito na pumasok sa Top 12 finalist ng PhilPop 2016. Kinabibilangan ito nina Aikee Aplacador (“Pabili Po”), JC Jose (“Stars Are Aligned”), Jazz Nicolas and Wally Acolola (“Di Na Muli”), Jeroel Maranan (“Sintunado”), Keiko Necesario (“Nobody But You”), Ramiru Mataro (“Kahon”), Johann Garcia (“Binibini sa MRT”), Soc Villanueva (“Lahat”), Joan Da (“Baliw sa Ex-Boyfriend Ko”), Paolo Guico and Miguel Guico (“Tinatangi”), Karl Guarano (“Friday Night”), Brian Cua and Mike Villegas (“Dumadagundong”).

Muli ring nakipag-partner ang PhilPop sa Viva Entertainment para sa album compilation ng 12 finalists, pagpu-provide ng interpreters, promotions, at pagsasagawa ng grand finals night na gaganapin sa July 23 sa KIA Theatre.

Ang grand prize winner ay mag-uuwi ng premyong P1 million in cash at Orlina trophy.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN