JC de Vera collaborates with Jessy Mendiola for debut album Stellar

JC de Vera on being billed as the country's newest singing heartthrob, "Wow, malilinya ako kina Piolo [Pascual] at Sam [Milby], e, sobrang layo ng narating nila. Whatever they achieved, sana marating ko rin."



“Bakit po?” ang tanong at unang reaksiyon daw ng ABS-CBN actor na si JC de Vera nang tanungin siya ng kanyang manager na si Leo Dominguez kung gusto niyang gumawa ng album.

“Tapos yun nga po, sinabi niya na may interested daw po.”

Ang pagiging recording artist na ba ang bago niyang tatahaking career?

“Well, at first, kinabahan ako; I was very surprised and nervous about it.

“Pero sabi ko nga, kung hindi mo siya gagawin, if not now, kailan?

“Sayang, kasi since I was a kid, never ko namang naisip na magkakaroon ako ng ganito.

“Na magkakaroon ako ng chance na magkaroon ng song na pakikinggan ng ibang tao.

“Sino ang nakakaalam nun? Wala. Until na dumating yung day na yun.

“Sabi ko, ‘Napanaginipan ko ba ‘to na mangyayari sa career, sa buhay ko, nag-cross ba siya sa mind ko even once?’

“No, e. Noong bata ako, nakikita niyo akong sumasayaw-sayaw, energetic.

“Pero never niyo akong nakitang humawak ng mic [microphone].”

HANDS-ON ARTIST. Naging hands-on daw talaga si JC sa paggawa at pagpili ng mga kanta sa kanyang kauna-unahang album, ang Stellar, para sa Ivory Music.

Sabi nga ni JC, “From day one na nag-meet kami hanggang noong first day na nag-record kami, hanggang sa pagkakasunod-sunod nung tracks.

“Kasi sabi ko, gusto kong magkaroon siya ng story behind it.

“If you’re gonna listen dun sa buong album, it started with track one, yung 'Langit Na Rin,' it started with a dream.

“Yung track two, yung 'Nabihag' with Jessy Mendiola, nagkaligawan, nakasama ko yung dream girl ko.

“Then the third one, yung 'Galaxy of Love,' sinabi ko na gusto kong magkaroon ng isang triumphant song na puwede akong mag-celebrate.

“You jump, you dance, yung sobrang saya lang sa pakiramdam… gusto kong i-celebrate yung love with the girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And the fourth song naman, 'One Night, One Kiss' with Lovi Poe, yun yung parang nagkaroon ng conflict na nagkaroon ako ng third party.

“Na during sa relationship, may pumasok na isang girl na very sexy and sophisticated na trying to break us.”

Cover song naman ang pang-limang kanta niya na “Heaven Knows.”

Ayon kay JC, “The song is about heartbreak na English version naman.

“It’s a heartbreak sa relation nila, ‘Nahihirapan na tayong dalawa, what will we do?’

“This is how we feel na ano ang gagawin natin sa relasyon nating dalawa.

“Yung sixth song, came from Jobert Austria, yung 'Pakiusap,' yun ang total heartbreak.

“Kung pakikinggan mo ang song, may kadiliman, yun na ang inabot ng heartbreak.

Kabilang sa mga singer na hinahangaan ni JC sina Bamboo at Franco, para sa local scene, samantalang iniidolo rin niya si Chris Martin ng Coldplay para naman sa foreign singers.



SINGING HEARTTHROB. Sa ginanap na album launch niya sa Blue Racket Café sa Scout Area, Quezon City, may nakalagay na banner kunsaan nakasulat ang mga salitang "Country’s Newest Singing Heartthrob."

Sumusunod na siya sa mga yapak nina Piolo Pascual at Sam Milby. Anong pakiramdam niya sa bagong title?

“Wala,” ang tila nahiyang sabi niya.

“Pero, wow, malilinya ako kina Piolo at Sam, e, sobrang layo ng narating nila.

“Whatever they achieved, sana marating ko rin.”

Ano nga ang pakiramdam?

“Hindi talaga pumapasok sa isip ko, e, gusto ko lang kung ano ang ibigay sa akin na trabaho.”

Magpapa-sexy ba siya kapag kumakanta?

“No, no, kakantahin ko kung ano ang kanta ko, hindi ko kailangang maghubad.

“Gusto ko lang i-enjoy yung kanta, i-enjoy kung ano ang ginagawa ko sa stage.

“Ninety-eight percent guts na lang,” saad niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN