Jinky Vidal dedicates new composition "Huling Baraha" to boyfriend Jeric Medina

Jinky Vidal of Freestyle fame wants to leave her own legacy in the music industry.


Pagkatapos mamahinga bilang vocalist ng bandang Freestyle ilang taon ang nakakalipas, ngayon ay nagbabalik sa music industry si Jinky Vidal pero hindi lang nilang singer kundi isang songwriter/composer.

Sa interview ng PEP kay Jinky sa Two E-com Prism Plaza sa Mall of Asia Complex ay naikuwento ng singer na sinali pala ang kanyang composition sa Philpop Music Festival ngayong taon pero hindi siya pinalad na makapasa.

“Sumubok ako sa isang songwriting [competition] pero di ako nakapasa, Philpop, I didn’t make it pero okay lang.  The title is 'Huling Baraha,' I dedicated it to my boyfriend Jeric kasi parang isya na ang huling baraha ko.         

“Ang concentration ko ngayon ay laging sa songwriting, produce lang ng album. Medyo nale-lie low ako ngayon sa regular gig, di masyadong  ganun kadalas para maka-focus ako sa pagsusulat ng kanta. Concentrate muna ako sa song writing ko, babalik ako dun sa song writing.

Ayon kay Jinky na may ilan na rin siyang na-compose noong vocalist pa siya ng Freestyle.

“Missing You, Nananabik, Freestyle pa ito pero now I’m doing solo, I’d like to take part of songwriting compositon, kumpusisyon ng mga kantang ilalabas ko. Ayoko lang akong malulong sa live shows na makaklimutan ko yung pagsusulat.

Sa kabila nito ay tuloy pa rin naman ang pagkanta ni Jinky kung saan siniguro ng singer na di niya talaga iniwan ang pagkanta.

“Mayroon din pero di na ganun kadalas. This month nasa Prism ako, wala ako ng January, February, this month lang, 2 Saturdays ako dito.”

“Actually di nga ako umalis sa pagbabanda, e, kasi even though I’m solo now, I still have to sing the same environment, I still have the same circle of musicians, none of these days but I can choose my musicians now that I am solo.”

Nang kumustahin naming ang relasyon niya sa dating kasama sa bandang Freestyle, naniniwala naman si Jinky na anumang di napagkasunduan noon ay paghihilumin din ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, it’s been like it’s been a while. I know things have their own way of... Time will heal everything, it’s been like five years already.  I have my replacement already so nagsyu-show naman sila and I see that. Parang co-exist naman kami. Nag-reunite kami ni Top [Suzara] for a while, nag-collaboarte kami, we did the Reunited album. Parang lahat sinubukan ko after since choosing solo, sinubukan kong mag-remix, tapos na on my own, pinagsasabay ko. Parang I get to do things at the same time so para sa akin, fulfilment na ‘yun para sa akin.”

“Kami ni Top? Okay naman kami so far. Even when we did the Reunited thing, we still got to do our own solo, I have my regular gig, I have inquiries na solo, I have inquiries na kami so ganun.

“Na-patch up na naman yung mga gulo naming dati when we did the Reunited thing.”

Pinakasumikat na kanta ng Freestyle ay ang 'So Slow' na hanggang ngayon ay naririnig na pinatutugtog pa rin sa ilang radio stations. Pangarap ni Jinky ay makagawa talaga ng sariling composition at gumawa ng sariling pangalan at hindi lang siya nasa anino ng mga kantang pinasikat ng dating banda.

“Kinakanta ko pa rin siya pero kasi may Freestyle pa kasi. I want to give the band the chance din to work themselves. Minsan nga I wish I can come up with my own single na malalaman ng tao na ako ang nagsulat. I know di maiiwasan na ma-associate ako kasi dun talaga ako nakilala, dun ako and I came from band.”

Sa ngayon ay gustong makabalik sa music industry ni Jinky at mag-iwan din ng sariling legacy niya dito.

“Oo naman, ayokong maglaho naman ako na walang contribution. Ag last memory ng tao sa akin is Tonight I Gave In With Chard, I Believe, So Slow, gusto ko medyo updated. I want to be part of the music today, gusto ko lang din ipakita sa sarili ko at ipakita sa kanila na nakikisabay ka pa rin sa pagbabago. Ang pagbabago kasi di mo maiiwasan so gusto ko lang sumabay at the same time di ko bibitawan ang passion ko which is singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TV guestings? Of course yes, it’s gonna be a part of a regular artist, live shows, TV guestings will always be a part.”

Kasama ni Jingky sa nakaraang gig niya sa Prism Bar ang boyfriend na si Jeric Medina na isa ring singer.  Sa kabila ng malaking age gap nila ng boyfriend ay nandun pa rin ang positibong pananaw ni Jinky na sana ay mauwi rin sa kasalan ang kanilang relasyon.

“I have a boyfriend, he’s Jeric Medina. We’ve been dating for six months now. Top 5 siya ng X Factor. Sarap, sweet, ang sarap mabuhay kasi singer din siya. We belong to the same industry, same world, pareho kami ng trip, same taste of music.

“Younger siya sa akin. Di ko naman sasabihin na mahirap na mahirap pero kasi we complement each other. Mayroon kaming age gap pero he also teaches me things na hindi ko nalalaman. Sa kanya ang dami kong natutunan, sa akin din ang dami niyang natutunan like mga old school, I give him advice, mga ganun.

“Sana. Gusto ko ring maniwala sa forever, sarap ding isipin na pagtanda mo may kasama ka. Di puro trabaho lang, trabaho man ang  kasama mo, mahal din ang trabaho mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN