Singer Edward Benosa to stage birthday concert on April 16 at Teatrino, Greenhills

Masaya si Edward Benosa at matutupad na rin ang pangarap niyang makapag-concert sa darating na April 16 sa Teatrino, Greenhills.


Masayang-masaya ang baguhang singer na si Edward Benosa dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng kauna-unahang concert—ang Most Requested, sa darating na April 16, sa Teatrino, Greenhills.

Si Edward ang kumanta ng kilalang awitin ngayon na “Di Man Lang Nagpaalam” ng Star Music.

Ano ba ang aasahan sa kanyang birthday concert?

Tugon niya, “Siyempre it will be fun. Asahan niyo po dun yung mga song na hindi ko pa nakakanta. May R&B, pop, rock, at mag-i-enjoy lang talaga.

“This is for the fans na nag-support sa akin. Isa rin itong pasasalamat sa kanila."

Magiging guest niya sina Morissette Amon at DJ Chaha ng My Only Radio 101.9 FM.

HOLY WEEK. Sa presscon nitong nakaraang Miyerkules, March 16, sinabi ni Edward sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sa bahay lang daw siya ngayong Holy Week.

“Kapag Holy Week kasi walang tao dito sa Metro Manila, e.”

Wala naman daw tradisyon na sinunod ang kanilang pamilya kapag Mahal na Araw pero may mga bagay naman daw siyang matagal nang hindi ginagawa.

Katulad na lamang ng hindi pagkain ng mga ulam na may karneng baboy may ilang taon na ang nakaraan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN