Vice Ganda will guest in Karla Estrada's upcoming concert

In her first concert, Karla Estrada will sing songs that relate to her own story. "Isang malaking istorya pero ang pinaka-importante yung ita-tackle talaga natin yung pagiging nanay ko, bilang nanay. Because yung queen mother, yun ako to my children!"



Nagbalik-tanaw si Karla Estrada sa pagsisimula ng kanyang singing career kaugnay sa kanyang solo concert sa darating na buwan.

Kuwento niya, “At the age of nine, kumakanta na talaga ako sa Tacloban.”

“Marami, mga out-of-town shows, meron akong hotels, meron akong… basta kung saan.

“Kumanta pa nga ako sa lamayan, e, totoo!”

Malaki raw ang talent fee niya doon, “Kasi ang yaman nung namatay, e.”

Her Highness: The Queen Mother In Concert ang titulo ng concert ni Karla na magaganap sa April 30 sa KIA Theater sa Araneta Center complex sa Cubao, Quezon City.

Hindi naman raw ka-level ito ng mga naging concerts ng anak niya na si Daniel Padilla sa Araneta Coliseum at SM MOA Arena.

“Hindi naman! Unang-una mas maliit yung venue sa mga nagawa ng anak ko," lahad ni Karla.

“Iba yun, ha, hindi natin… incomparable yung nagawa ng anak ko sa gagawin ko.

“Eto naman gagawin ko lang… mga three to four nights na inisip ko, bakit hindi?

“Bakit hindi ko ibigay kung merong taong nagtiwala at nagsabing, ‘Ipo-produce kita.

“‘Maglalabas ako ng pera kong pinaghirapan para lang sa iyo. dahil gusto kitang… may tiwala ako sa iyo.’

“So doon ako tumayo, sabi ko, ‘Sige!’”

Nakausap namin si Karla sa Felicidad Mansion Events Place sa Quezon City sa presscon ng concert niya.

AMUSED. Pinagtawanan lang daw si Karla ng kanyang mga anak nang malamang magso-solo concert ang kanilang nanay.

Kuwento ni Karla, “Iba-iba yung reaction, yung bunso ko si Carmella, ‘Wow, Mama!’

“Si Magui, medyo sosyal, ‘Oh my God, Ma!’

“Gumanon! Yung mga boys ko gumanun, [thumbs up], pero mas marami yung pinagtawanan ako,” at tumawa si Karla.

“Hindi kasi, don’t get me wrong, kami ng mga anak ko, we’re friends, we’re parang barkadas.

“May level kami ng pagkakaibigan, may level naman kami na pag nanay ako, nanay ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So they can always cracks jokes to me, puwede nila akong maloko-loko.

“And ako mas malakas akong mambuwisit sa kanila pag nakita niyo lang.”

Apat ang mga anak ni Karla. Ang Teen King na si Daniel Padilla; ang papasikat na ring singer ngayon na si JC Padilla; si Margaret o Magui, at si Carmela o Lelay.

QUEEN MOM. May mga “hugot” songs daw siya sa show na may kaugnayan sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

“Yes, marami! Kaya nga isang malaking istorya ito ng buhay ko, e, yung concert.

“Isang malaking istorya pero ang pinaka-importante yung ita-tackle talaga natin yung pagiging nanay ko, bilang nanay.

“Because yung queen mother, yun ako to my children!

“Hindi iyan yung… hindi ko naman kayang panindigan yun.

“And I believe lahat ng nanay ay queen para sa mga anak nila.”

Guest rin ba si Daniel sa concert ni Karla?

“Pupunta yung mga anak ko, hindi ko pa natatanong kung kumportable silang kumanta with me.

“Pero ang imporante sa akin nandun sila. Kasi para sa kanila yung gabing yun.”

CONCERT GUESTS. Matalik na magkaibigan sina Karla at Vice Ganda at isa nga ito sa mga guests sa concert niya. Kaya hindi malayong batuhan ng mga jokes at laglagan sa bawat isa ang magaganap sa show.

Guests rin sa concert niya ang mga kasamahan niya sa season one ng Your Face Sounds Familiar maliban kay Maxene Magalona na nasa Amerika sa petsa ng concert.

“Sana mabuo ko yung First Time… Like A Virgin! girls, Sunshine Cruz, Jackie Forster at Shirley Fuentes.”

Ito ang nagsilbing launching movie nina Karla at mga nabanggit na female stars noong 1992.

“Kasi ang cute nun, ang saya nun kasi kami talaga yung magkakasamang nag-umpisa.”

May plano bang dalhin sa Tacloban na hometown ni Karla ang Her Highness: The Queen Mother in Concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay mas bongga sana, gusto ko talagang i-tour ito,” pakli pa niya.

Samantala, bukod sa kanyang concert ay patapos na rin ang album ni Karla na ang release ay sasakto sa petsa ng kanyang concert.

“May covers at ’tsaka may original songs,” pagtukoy niya sa laman ng kanyang album.

“And then malapit na rin yung kay JC [de Vera] na solo album niya from Star Records, inaayos na rin natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN