Alden Richards, Sarah Geronimo to join Regine Velasquez's Reborn worship concert

The worship concert titled Reborn will take place this Sunday, April 3, at the SM Mall of Asia Arena. (From left) Regine Velasquez, Sarah Geronimo, and Alden Richards will take part in this benefit concert.




Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang kakaibang Regine Velasquez-Alcasid ang mapapanood sa isang worship concert.

Sa halip na mga pop and love songs ang mga kakantahin ni Regine ay puro awit ng papuri ang kanyang aawitin.

“The title of the concert is Reborn, it’s a praise and worship concert with our band called 1 Walker. Kasama ko si Jaya at ang aking asawang si Ogie [Alcasid].

“Puro praise songs ang kakantahin namin and iniimbitahan ko lahat na sana manood ng napakagandang concert na ito.

“First time ko ito gagawin and I’m so happy. This is my way of saying thank you to God.”

Ang 1 Walker ay banda ni ginawa ni Regine kasama sina Ogie Alcasid, Jaya, at iba pang OPM singers. 

Gaganapin ang Reborn concert ngayong Linggo, April 3, sa SM Mall of Asia Arena 7 pm.

Unang beses rin ito na kasama sa isang banda ang Asia’s Songbird. “Bokalista ako, madami kaming bokalista.”

Pero silang tatlo lang nina Jaya at Ogie ang mga celebrities sa banda.
Puro praise and worship songs ba ang kakantahin nila?

“Yes.”

Walang pop songs?

“Meron din pero we’ll turn it into a praise song.”

Guests sa Reborn concert sina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, at Alden Richards.

Ang proceeds ng concert ay para sa Anawim Lay Missions Foundation, Home of the Abandoned Elderly.




Join us on April 3 lets all praise God at the Moa Arena #Reborn with our band #1Walker see you there ???

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN