Arnel Pineda to hold April 5 concert titled Voyage To Rockville

The live telecast of Arnel Pineda's April 5 concert may be purchased at www.sanrestreaming.com.



Dream come true para sa Journey lead singer na si Arnel Pineda ang konsepto ng kanyang bagong concert titled Voyage To Rockville.

Ito ay gaganapin ngayong gabi, April 5, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. Magkakaroon ito ng live streaming component na pwedeng ma-purchase sa pamamagitan ng Sanre Streaming (sanrestreaming.com), ang bagong division ng Sanre Entertainment Worldwide.

“Yes, in a way [it’s a dream come true] kasi I’ve been trying for the past ten years para ma-perform ko yung mga original songs ko to a lot of people. So, yeah, you can say it is,” sabi ni Arnel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arnel sa presscon ng Voyage To Rockville sa Marriott Hotel Grand Ballroom noong April 1. Kasama ni Arnel sa presscon ang Sanre Entertainment big boss na si Rene Walter, na nagre-represent sa kanya internationally. Naroon din ang Namesake band, na kabilang sa mga guest ni Arnel sa concert along with Morgan Rose of the band Sevendust.

Paano ide-describe ni Arnel ang concert na ito in terms of his journey as a rock artist?

“Actually, this will be the first for me to perform… to mix a lot of my original songs with the cover songs that I’ve been covering probably for the past 30 years, besides the songs that I do with the band Journey. This will be the first. Actually, it’s very nerve-wracking for me kasi I don’t know what reaction the people will give me. But at the same time I’d like to take that risk, that edge, let’s see what happens. Exciting but nervous at the same time.”

 
LIVE STREAMING. Ayon pa kay Arnel, matagal na raw niyang gustong gawin ang kanyang konsepto ng ganitong rock concert na ila-live stream sa buong mundo. Sinubukan na raw niya ito dati sa kanyang itinayong Rockville music bar noon. Ngayon nga ay nagkaroon na ito ng katuparan sa tulong ng Sanre Entertainment at Imagen Records.

“Well, this Voyage To Rockville, this is actually a concept that started in Rockville po, I think last three years ago in my bar in Timog. My concept there is to help local bands to be live streamed via Internet. And then PLDT helped us to facilitate it. But then I guess during that time we were short-handed so it didn’t really pushed or flew enough heights para talagang ma-expose yung mga local bands natin that I’m trying to help.

“So, this one [Voyage To Rockville] I guess me and Rene, we were able to achieved something that’s a bit higher. If we perfect this one, I think that would be the start of the whole thing that we’ve been trying to developed for the past five years,” ani Arnel.

Dagdag pa ni Rene, “With the Sanre Streaming concept, we hope to give everyone, everywhere and beyond a front row seat to Rockville. Music is a part of everyone’s life, essence and spirit, you’ll want to visit Rockville with us.”

Ano ang feeling ni Arnel na may ganitong live streaming platform na sa mga concert artist na gaya niya?

“I think it’s good. I was telling  a while ago during my Rockville days yung bar ko, that’s what I wanna happen, i-higlight yung mga local bands para kahit naman nagko-cover lang sila ng cover songs nakikita pa rin, nae-expose pa rin yung talent nating mga Pinoy doon, e.

“So, iyon ang gusto kong makita ng buong mundo, na marami pa tayong talent dito na pwedeng ma-import ng mga ibang bansa, alam mo na, para ma-enjoy nila. At saka doon din kasi magsisimula yung creativity natin, mas maku-cultivate natin. So, this is a good thing. At saka kailangan nating mag-keep up sa First World. Well, maraming nagko-consider na Third World pa rin tayo, pero eto na ito, e, isa ito sa maglalagay sa atin sa map sa world na nagki-keep up tayo sa First World,” paliwanag ni Arnel.

May special offers at options sila sa mga magpa-purchase ng live streaming sa sanrestreaming.com lalo na sa mga nasa ibang bansa.

 
PROUD OF HIS GUESTS. Ipinagmamalaki naman ni Arnel ang kanyang guests sa Voyage To Rockville, ang Namesake band at si Morgan Rose ng bandang Sevendust. Excited na nga raw siyang mag-perform kasama ang mga ito sa ilang numbers.

“I’m excited because I’ll be playing a couple of songs with Morgan Rose and the Namesake band, so you watch out for that,” sabi ni Arnel.

Si Morgan Rose ay widely acclaimed na isa sa world’s best drummers.

Nominated siya sa best live performance category sa 2016 Grammy Awards.
Ang Namesake naman ay kilala ngayon bilang bagong pop-rock sensation sa Amerika. Kinabibilangan ito nina Will Crafton, Brad Wagner, JT O'Neill, Seth Van Dusen, Kevin Nordeste. Ang kanilang mga kantang Borders at Fences ay pinapurihan sa mga bansa sa Asya, kabilang na ang controversial video nila ng Worlds Away.

Sa presscon ay natanong nga ang Namesake kung ano ang nararamdaman nila na makakasama nilang mag-perform ang Journey frontman na si Arnel?
“We’re extremely excited to play with Arnel. He’s an amazing singer and we all look up to him. We’re really excited for everything that he’s been doing,” sabi ng band members ng Namesake.

Lahat daw sila ay nakapanood na ng concert ng Journey at bilib sila sa galing ni Arnel.
 
VOYAGE TO ROCKVILLE PART 2. Tila nagkaideya naman si Arnel nang matanong ng PEP kung hindi ba niya naisip na kumuha ng Pinoy rock artists bilang guests.

“I wish some really big local names here would come and play with me. It will be an honor.”

So, parang part 2 na ito ng Voyage To Rockville?

“Yeah, the likes of Bamboo, Rico Blanco, Ely Buendia, Eraserheads, Parokya Ni Edgar. I would welcome them with open arms.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN