Kim Chiu recalls free Hong Kong trip from Xian Lim; emotional moment during concert



Naging matagumpay ang Chinita Princess: The FUNtasy Concert ni Kim Chiu nang mapuno nito ang KIA Theater noong Sabado, April 9.

Ito ay pre-birthday celebration na rin ng aktres para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa April 19 at para sa 10th year anniversary niya sa showbiz.

Labis-labis ang pasasalamat ni Kim sa mga fans na sumuporta at nanonood ng kanyang concert at sa mga artistang nagpaunlak na maging guests niya nang gabing ito.
 
“Isa na ito sa napakagandang regalo sa akin. Para lang umupo at magbayad ng ticket, naku mahal po yung ticket ko. Di biro yung ticket ko, mahal po siya. Nagpapasalamat ako na napuno ko siya, regalo na nila yun sa akin.

“Sobra akong masaya, di ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kinabahan ako, di ko alam kung ano ang tamang mangyayari pero nagpapasalamat ako kasi ang daming tao, sobrang  nakaka-overwhelm, sobrang dami nila.

“Sa lahat ng nanood ngayong gabi, maraming salamat po. Lahat ng pumunta sa FUNtasy concert, sana natuwa kayo. May kaunti lang mga technical problem pero sana naitawid namin ng maayos.”
 
Di rin nakalimutan ni Kim na pasalamatan ang Star Music na siyang nag-produced ng kanyang unang concert.

“Kaya sobra akong masaya, sobra akong nagpapasalamat, of course, sa Star Music, kay Tita Malou Santos. Kung di niya ako binigyan ng concert, di ako makakapagganito.”
    
Di naiwasan ni Kim na maging emosyonal nang kantahin niya ang kantang “Peng You” na inaalay niya pala para sa kanyang pamilya.

“Kasi umiyak din sila. Oo nga no, nakakaiyak naman talaga, nandito ako ngayon sa harap ninyo. Then yun ang first song talaga na kinakanta ko lang yun nung nag-aaral ako. At ngayon kinanta ko siya bilang artista ako.
 
Isa rin sa kinagulat ng lahat ay nang mag-drum si Kim kung saan ang kumanta naman ay si Piolo Pascual. Isa pala talaga ito sa natatagong talento ng aktres na nilabas lang niya sa publiko sa araw ng kanyang concert.

“Pinaghandaan ko talaga iyon para sa gabing ito. Nangyari lahat yun.
 
Nang tanungin kung bukas ba siya na magkaroon ng Part 2 ang nasabing concert, nandun naman ang pag-asam  ni Kim.

“Part 2? Sa dami ng technical problem ngayong gabi, sana.”
 
Ayon kay Kim lahat naman ng production numbers ay paborito niya pero iba ang naging dating sa kanya ng prod number nila ng mga komedyanteng sila Lassi at iba pang kasama nito.
 
“Nung nandun sila Lasi, nakakatawa. Wala kasing effort pero lahat favorite ko kasi lahat ng nangyari at napanood ninyo ngayong gabi, yun talaga ang nasa isip ko. Lahat ng napanood yun, yun talaga ang gusto kong mangyari ngayong gabing ito.”
 
Binalita rin ni Kim na paalis na rin pala sila ni Xian Lim ng Pilipinas at babalik ng New York para sa taping ng The Story of Us.

Masaya ang aktres sa positibong feedback ng pinagbibidahang KimXi teleserye. Doon na rin niya ise-celebrate ang kanyang kaarawan sa April 19.

“Pupunta ako sa New York, magte-taping kami hanggang April 30.

“Natutuwa ako, sobrang akong nao-overwhelm. Sa lahat-lahat ng nangyaari sa akin ngayon, sobra akong masaya.”
 
Pinost ni Kim sa kanyang Instagram account ang kuha ng mga larawan nila ni Xian sa Hong Kong.

Ayon sa ABS-CBN actor, pre-birthday gift niya ito para sa rumoured girlfriend. Ayon naman kay Kim ay lagi talagang may naiisip na surprise para sa kanya ang kapareha.    

“Nakakatuwa kasi libre lahat yun ni Xian. First time kong pumunta sa mga art exhibits, tapos nagikot-ikot kami, ang saya lang ng experience.

“Lagi siyang nagsu-suprise talaga, lagi.”


(View photos: Xian Lim to Kim Chiu: "I love you so much. Nothing can take that away.")


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN