Rayver Cruz dance album co-produced by Sam Milby, Gerald Anderson and Enchong Dee

Rayver Cruz releases 8-track dance album titled What You Want.



Sa kauna-unahang pagkakataon ay may dance album na si Rayver Cruz, ang 8-track record titled What You Want.

Bigay todo ang suportang binigay kay Rayver ng mga co-producers and co-Star Magic artists na sina Gerald Anderson and Sam Milby. Si Enchong Dee at maging si Rayver ay naging co-producer rin ng naturang album na may carrier single na "Bitaw."

Present sina Gerald at Sam sa album launch ni Rayver na ginanap sa Urbn Bar sa Timog, Quezon City last Friday.

Ayon kay Gerald, dati pa nilang naririnig kumanta si Rayver especially kapag makakasama sila sa mga tour outside the country.

“Napansin naming maganda ang boses niya kapag nagdya-jamming. Ang alam ninyo lang kay Rayver magaling sumayaw. Kami alam namin na napakagaling kumanta niyan and yun nga ang gusto naming i-share sa Pilipinas, ‘di ba Ray [pet name nila for Rayver]? Okay lang ba yun? Okay na i-share natin sa kanila,” lahad ni Gerald.

Sang-ayon naman si Rayver sa sinabi ni Gerald.

“Oo, i-share natin. I’m sure kahit wala rito yung isa naming kaibigan maga-agree naman siya,” na ang tinutukoy ni Rayver ay walang iba kundi si Enchong Dee.

“Bakit nga ba wala si Enchong? Ayaw niya ako’ng panoorin?

“May album din kasi, haha! Alam mo naman yun kahit kaibigan yun, kompetisyon pa rin, hahaha! I love you, bro!

“Hindi, hindi. Kahit tanungin ninyo sila. May taping siya ngayon. Niloloko ko lang siya. May shooting siya ngayon,” natatawang sabi pa ni Rayver.

Habang kumakanta si Rayver sa stage ng Urbn Bar ay pinasalamatan niya si Sam dahil sa microphone ginamit niya sa launch ng kanyang What You Want album.

“May ano yun, may magic yun,” ngiti ni Rayver.

“Special yung mic ni Sam. Yun kasi ang ginamit niya noong concert niya. Hindi niya pinapahiram sa iba yun. Pero sa amin pinahiram niya.”

Kapansin-pansin naman na bukod sa magkakaibigan at producers ng album, there’s still one thing in common among Rayver, Gerald and Sam: yun ay ang pagiging single nila ngayon.

“Samahan ng walang girlfriend? Hahaha!

“Siguro magkakaroon lang ako ng girlfriend kapag nagka-gf ka na,” biro ni Rayver kay Gerald.

Pagkatapos ay si Sam naman ang binalingan ni Rayver.

“E, si Sam? Sam, may girlfriend ka na?”

Hirit naman ni Gerald kay Sam, ‘Mukhang blooming si Sam, e.'”

Sagot ni Sam, “Hindi, sobrang happy ako para kay Rayver. Masaya ako ngayon sa album launch niya.”


ON BEING ALBUM CO-PRODUCERS. Going back to the album, nag-invest ba talaga sina Sam at Gerald ng malaking halaga sa album niya?

“Oo, nag-invest talaga sina Sam and ako rin, yes. Co-producers kami dito sa album na ‘to. Kaya hindi naman ganoon kalaki.

“Sobrang happy ako kasi hindi ko naman sila pinilit and kagaya ng sinabi ni Gerald, first niya ‘to na pagpro-produce, e.

“So, kahit alam ko na close kami nakakatuwa  pa rin dahil ginagawa niya, alam mo yun? Walang papilit, let’s do it, gawin natin.”

Paano pumasok sa isip nila na mag-produce ng album for him?

“Nagme-merienda kaming magkakaibigan. Itong kasing sina Gerald at Sam kapag may parties...

“Kapag may mga open mic, lagi nila akong pinapakanta...kasi kumakanta naman talaga ako. Sila yung nagpu-push sa akin, ‘Bro, ano ka ba? Bakit hindi ka gumawa ng album?’

“Tapos nag-dinner kami one time, nu’ng ano lang, January lang. Tapos sabi nila, totoo naman na wala namang pilitan, oo. So, ginawa namin yung album. Ayun, nag-produce sila.”

Masaya naman si Gerald sa kinalabasan ng album ni Rayver which is incidentally sa ilalim nang pinag-sanib pwersa ng Cornerstone Music and Star Music. 

“First time ko [mag-produce ng album] and masaya ako na siya ang first, si Rayver. Dahil mukha namang good investment.

“Well, nakita ninyo naman, napakagaling niya talaga.  Ah, sinabi ko nga, si Rayver siya yung pinaka-talented, sorry Sam, ha.

“No, it’s a tie, sila ni Sam.

“Sana nagalingan kayo kay Rayver. And I’m sure magagalingan din ang buong Pilipinas kapag bumili sila ng album ni Rayver, talagang masusulit ang pera nila. Sobra,” pagpupuri pa ni Gerald kay Rayver.

Gaano katagal ginawa ni Rayver ang kanyang album na What You Want?

“Nu’ng January namin napagusapan. Mabilis lang din naman, di ba? So, ginawa na namin agad. January pala nag-start nang paggawa pero December pa lang pinaguusapan na namin, ‘Gawin na natin ‘to pag pasok ng 2016, let’s do it.'”

Paano siya nag-prepare for the album?

“Siyempre voice lessons and practice ng matindi. Pinaghandaan ko talagang mabuti kasi gusto kong maging successful yung album.”

May plano rin ba na ipag-produce si Rayver siya nina Gerald at Sam ng concert?

“Meron, meron,” pagkumpirma ni Rayver.

“Pero ngayon kasi siyempre launching, pinapunta ko lang sila. Sa concert na.”

Kailan kaya matutuloy ang concert?

“Ewan ko doon sa dalawa. Haha! Ewan ko doon sa dalawa. Pinasok nila ‘to. Pero dito muna ako. Ipaparinig ko muna sa mga tao.”

Pero gusto niyang magkaroon ng concert?

“Oo naman, eventually din yung concert. Kapag naging successful ‘to, siyempre doon din naman ang tungo niyan, e.

“Pero magiikot muna ako sa iba’t ibang lugar to promote my album. Sinasabi ko naman sa Instagram ko kung saan-saan ako pumupunta. Marami akong pupuntahan, pero dito-dito lang.”


ON DEALING WITH BASHERS. Aware ba siya na pwedeng magkaroon ng second thoughts ang public kung siya ba talaga ang kumanta ng mga awitin sa album?

“Well, of course, kasama naman yun, e, Laging may criticisms. Kasi siyempre nasanay sila sa pagsayaw ko. Kaya nga excited na akong umikot at ipakita sa kanila yung pagkanta ko.

“Actually, napagod ako. Sanay naman ako na kumakanta sa mga out of the countries, out of town shows na sila, dalawa. Pero ito yung, parang mini-concert na rin, e. So, happy ako. Nakatulong yung mga tao kasi siyempre kapag nage-enjoy sila nabo-boost yung kumpyansa ko sa sarili ko.”

Choice ba niya talaga na R&B ang genre ng music niya?

“Oo kasi ako yun, e. First album ko ayaw ko namang mag-ballad kasi nagba-ballad si Rayver, e,  alam naman natin magaling sumayaw ‘yan,’ ganyan-ganyan.
 
“So, gusto kong i-showcase yung singing and dancing kasi nga gaya ng sabi ko ang mga idol ko si Sir Gary [Valenciano], si Usher. Gusto kong maging ganoon.”

For the longest time kinikilala ang dance album as novelty.

Tingin ba niya walang lugar sa local music industry ang seryosong dance album?

“Uh, siguro ano pa rin naman siya, e, Tagalog pa rin naman ang ginawa ni Sir Jonathan Manalo. Hindi naman mahirap maka-relate doon sa kanta.

“Marami tayong Pilipino na mahilig lumabas, gumimik at magsayaw. Pwedeng-pwede nilang gamitin ‘to kasi hataw siya talaga and ang ganda ng music.

“Kahit ako nung narinig ko nagulat ako kasi  ganoon pala talaga kaganda lumabas yung mga kanta.”

Ngayong may record album na siya, mako-consider na ba niya ang sarili as a certified singer?

“Of course, may album na ako! Hahaha! I-embrace ko na ‘to. Singer na rin ako. So, excited na ako. Na-excite ako, happy and excited ako and thank you guys sa pagpunta kasi astig talaga ‘to.”

Safe to say ba na mas gusto niya ang singing kesa sa dancing?

“Ah, kung saan ako… yun ang pangarap ko before pa na kahit saan ako ilagay pwede. So, ngayon pwede na ako…and ngayon sa kantahan naman. So, I’m very happy.”

May original composition ba siya sa album?

“Sorry, wala ako’ng ginawa. May mga nag-compose for me.”

Paano kapag binash siya at ang kanyang album?

“Ah, okay lang kasi kasama naman yun. And gagamitin ko yung pagba-bash na yun para mag-improve pa lalo sa craft ko.”

Sa mga nakakasama niya sa ASAP, sino ang nagbibigay sa kanya ng tips sa pagkanta?

“Ah, si Billy [Crawford], ‘yan sina Erik Santos. Ka-dressing room ko kasi sila, si Jed Madela. Mga singer talaga sila, astig, di ba?”

Anong klaseng tips ang binibigay sa kanya?

“Basta be passionate lang in what you do. Ah, tapos huwag kang titigil sa training sa pagkanta lalo na ako, nasimulan ko na, e. So, kanta lang ng kanta. Mahalin mo ‘yan.”

Magbabawas na ba siya ng acting appearances especially sa taping ng teleserye na madalas ang puyatan na nakaka-apekto sa boses?

“Uhm, e, kung kaya namang i-balance pwede naman.

“Nakakapagpahinga naman tayo sa trabaho. Syempre, yun din yung isa sa mahal kong ginagawa.

“So, kung may trabaho i-balance na lang. May pahinga naman, e, lalo na ngayon na hindi na masyadong napupuyat ang mga artista.”

Meron na ba siyang hinarana na babae whether live or sa phone?

“Oo naman, dati. Nagka-lovelife din naman ako, so, hinaharanahan ko naman.”

May nililigawan ba siya ngayon?

“Wala, e. Hopefully, this year kung meron. Pwede naman na.

“Yes, ready na ako. Darating naman ‘yan, e.

“Okay naman ako. Wala man ako’ng lovelife, sobrang inspired ako sa ginagawa ko ngayon.

“Nandiyan ang family and friends ko, kasi ako, ayokong hanapin.

“Ako, ready naman na ako anytime, e. Kapag dumating ang tamang babae sa akin, darating yun.

“Non-showbiz or showbiz, gusto ko yung nasa tamang panahon."

Hindi ba siya naiinip na medyo matagal na rin na wala siyang nobya?

“Hindi naman,” kibit balikat ni Rayver.

“Sanay naman ako.  Hindi naman kailangan ng ka-partner para maging masaya. Pero siyempre iba rin ang dinudulot na saya kapag in love. Darating din ‘yan.”

Hindi ba siya nainggit sa former girlfriend niya na si Cristine Reyes na happy with her husband and child?

“Oo nga, e. Sobrang happy ako sa kanya. Alam ko na matagal na niyang gusto yun.

“Inggit, hindi siguro kasi alam ko na darating naman yung para sa akin.”

May bago ba siyang show sa ABS-CBN?

“Sa ngayon wala pa. Pero gagawa ako ng indie film sa CinemaBro, K9 ang title Magi-start pa lang kami.

“Ah, papadala pa lang nu’ng script. Hindi ko pa alam sino ang makakasama ko."








ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN