T.O.P. boy band launches debut album

The five members of the T.O.P. boyband—Adrian Pascual, Mico Manguba, Joshua Jacobe, Mico Cruz and Louie Pedroso—reveal their top picks, including their favorite original songs from their latest album, their crushes and their musical influences.



Sa press launch ng album ng Top One Project o T.O.P. para sa GMA Records ay naitanong sa grupo kung ano ang paborito nilang kanta sa album nila at kung kanino nila ito ide-dedicate.

Ang limang miyembro ng T.O.P ay mga winners ng multi-platform boy band competition na To The Top ng GMA-7.

Ang limang winners ay sina Adrian, Miko M., Joshua Jacobe, Mico Cruz at Louie Pedroso.

“Para po sa akin ang favorite song ko sa album is 'Pag-gising' kasi ito po lagi ang kinakanta namin sa mga mall shows, and dine-dedicate ko po ito sa mga fans, kasi po ang meaning ng song ay gumising ka sa umaga na kasama mo yung taong mahal mo.

“Kasi po mahal po namin yung mga fans namin and sana bawat paggising po namin e nandiyan pa rin sila para sumuporta sa amin,” sagot ni Adrian Pascual.

“Ang favorite song ko is 'Alaala' kasi ito po yung song na kinompose sa To The Top para dun sa finale and nire-remember po lahat ng journey namin dun sa To the Top.

“So dine-dedicate po naming yung sa brothers namin sa show na hindi namin nakakalimutan hanggang ngayon.

“Hanggang ngayon po nagsasama-sama pa rin po kami outside the show po,” sabi naman ni Miko Manguba.

Paborito ni Louie Pedroso ang “Somebody,” si Joshua Jacobe naman ay ang “San Na,” si Mico Cruz naman ay pareho ni Adrian na paborito ang “Pag-gising” ang kantang gusto sa album nila.

Ang iba pang mga awitin sa album nila ay ang “Kaya Ko, Kaya Mo” at” Bakit Gano’n?”


LESSONS FROM MENTORS. Ano namang importanteng bagay ang natutunan nila mula sa mga mentors nila sa To the Top during the contest proper?

“Pinaka natutunan ko po sa mag mentors po namin ay magkaroon ng tiwala sa sarili, yung self-confidence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po, hindi ako sanay mag-perform sa stage, in front of many people, lalo na sa TV,” lahad ni Adrian.

“Tinuruan po nila ako kung paano i-express yung talent ko sa mga tao.

“Ang natutunan po namin sa mentors namin especially sa The Company, sinabi po nila sa amin na huwag mong gawing motivation ang fame or money.

“Dapat music talaga yung drive namin – compose songs and to perform,” sagot naman ni Miko M.

“Ang pinaka tumatak po talaga po sa akin, e, yung kailangan mong mag-improve everyday, na kailangan huwag kang mag-settle sa kung ano ang capabilities mo ngayon, sa level ng skill mo,” pahayag naman ni Joshua.

“Kailangan everyday may mindset ka na ‘Kailangan kong mag-improve bukas o sa isang bukas!’

“Madami akong natutunan from our coaches, especially kay Sir Moy Ortiz.

“Isa sa talagang itinuro niya sa amin, yung never settle on what you have,” ayon naman kay Mico C.

“Kasi parati meron kang makikita na something para pagalingin pa, para mas lalo ka pang gumaling.”

“Hard work is above talent, iyon yung natutunan ko sa 'To The Top,'” banggit naman ni Louie.

“Kasi before, when I used to see singers, dancers and performers, I used to see them as people na sobrang blessed nila, na ipinanganak na ang galing niyang kumanta, ang galing niyang mag-perform. And that’s everything to me dati.

“Pero iyon pala, I figured out na they don’t get to that point without hard work.

“It’s always hard work, it’s always work, work, work.

“Kahit may talent ka, kahit may skill ka, even if you have the time and the money to do everything you can, if you don’t work on it, you’re not gonna get it.”

CRUSHES. Ang sumunod naman naming itinanong sa lima ay kung sino ang crush nilang female celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawa ang may crush kay Maine Mendoza: sina Adrian at Joshua.

Ayon pa kay Joshua, pareho silang taga-Bulacan ni Maine.

“Talagang ever since before pa si Heart Evangelista po,” sagot naman ni Miko M.

Si Julie Ann San Jose naman ang type ni Mico C.

“Kasi nung una ko siyang makita sa Sunday PinaSaya, ang lakas agad ng dating niya sa akin.

“Sa dressing room, mabait siya. Hindi lang looks, yung dating niya.”

Ang baguhan namang GMA artist na si Mikee Quintos ang crush raw ni Louie. Mapapanood si Mikee sa Encantadia ngayong 2016.

“Crush ko po siya ever since first year college po ako.

“Sana po may pag-asa na po ako ngayon parehas na kaming nasa GMA.”

FAVORITE SINGERS. Paboritong singer naman ni Adrian si Justin Bieber mula pa raw noong bata pa lamang ang international male singer.

Si John Legend naman at ang grupong Pentatonix ang mga idolo ni Miko M.; paborito naman ni Joshua ang musical group na Brute Force.

Sina Michael Buble at Adam Levine naman ang mga paborito ni Mico C.

Mula bata pa raw si Louie ay idolo na niya si Chito Miranda, ang singer ng Parokya ni Edgar.

Ang album ng T.O.P. ay digitally released at available for download sa iTunes, Amazon, Deezer, at iba pang digital stores nationwide.

Ang physical album ay available na ngayon sa iba’t ibang record bars nationwide, pati na rin sa lazada.com.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN