PhilPop 2016 interpreters revealed; head explains why Jadine was not tapped to join this year

The organizers of the 2016 Philippine Popular Music Festival (PhilPop), headed by OPM maestro Ryan Cayabyab (far left) recently announced this year's batch of celebrity interpreters, which include Nyoy Volante, Yassi Pressman, Jason Dy, Monica Cuenco, Cookie Chua, Bayang Barrios, Itchyworms, and many others.



Ipinakilala na sa mga press at media ang napiling celebrity interpreters ng 12 finalists ng PhilPop 2016 sa pamamagitan ng isang press conference na ginanap noong May 27 sa Hive Hotel sa Sct. Tuason, Diliman, Quezon City.

Kasama ang songwriters at composers ng 12 PhilPop song finalists, isa-isang ipinakilala ang celebrity interpreters na kinabibilangan nina Nyoy Volante (“Sintunado,” composed by Jeroel Maranan); Jason Dy (“Lahat,” by Soc Villanueva); Yassi Pressman (“Dumadagundong,” by Mike Villegas and Brian Cua); Monica Cuenco (“Nobody But You,” by Keiko Necesario); Itchyworms featuring Jazz Nicolas (“Di Na Muli,” by Jazz Nicolas and Wally Acolola).

Ang ibang interpreters ay sina Cookie Chua, Bayang Barrios, and The Benjamins (“Tinatangi,” by Miguel and Paolo Guico); Banda ni Kleggy and Aikee (“Pabili Po,” by Aikee Aplacador); Acapellago and Jimmy Marquez (“Stars Are Aligned,” by JC Jose); Sugar and Spice featuring Joan Da (“Baliw Sa Ex-boyfriend Ko,” by Joan Da); Kenjhons (“Friday Night,” by Karl Gaurano and Daryl Reyes); The Juans (“Binibini sa MRT,” by Johann Garcia); and Ramiru Mataro (composer and interpreter of Kahon).

Isinabay din sa event na ito ang launching ng 2016 digital album sa Spotify at ang PhilPop 2016 Commemorative Special Edition Book bilang celebration sa 5th year ng PhilPop.

Ang Viva Records ang namahala sa recording at pag-release ng compilation album.


SELECTION OF INTERPRETERS. Pagkatapos ng presscon, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maestro Ryan Cayabyab, ang tumatayong Head ng PhilPop Foundation, at inihayag nga niya ang kanyang excitement sa magandang lineup at kumbinasyon ng Top 12 finalists at interpreters.

“Well, kung napapansin natin karamihan mga bata, but we also have some veterans this year, pero hinalo siya.

“Like yung Guico twins, sila yata yung pinakabata [finalists] this year, plus si Bayang at si Cookie, na parehong beterano na sa industriya.

“So, they bonded together. And then you have Sugar and Spice na mga bata ring girl group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, yung Banda ni Kleggy at saka si Aikee, mga bata sila.

“Then you have the Acapellago, kakaibang act.

“So, what makes this year special is maraming kakaibang act, hindi yung usual,” sabi ni Mr. C (palayaw ni Ryan).

Natutuwa rin si Mr. C na maraming kantang upbeat na pumasok bilang finalists ngayong taon.

“Yeah, di ba ang daming kantang upbeat.

“I think it’s a sign of the times na talagang pambata or pang-younger generation, mas now yung tunog. I love it.”

Paano ang naging proseso sa pagpili ng interpreters?

Paliwanag niya, “First, the composers write kung sino ang gusto nila [interpreter].

“So, mayroong interpreter one, kung hindi puwede interpreter two and interpreter three.

“So, they go through that. And then sinasabi ng Viva na, 'Hindi puwede si ganyan,' we will go to the next one.

“'Okay, hindi puwede, this is our suggestion.' 'Kung hindi puwede, what do you think?'

“Many of the songwriters, sila yung pumili. Like si Soc Villanueva, gusto talaga niya si Jason Dy from the start.

“For example, mayroon talagang hindi puwede, so gumagawa ng paraan both PhilPop and Viva para makahanap ng magandang replacement.”

Mas marami ang mga baguhang artists sa lineup ng interpreters ngayong taon kumpara noong mga nakaraang PhilPop. Naiintindihan naman daw ni Mr. C kung yung ibang may pangalang artists ay nag-beg off.

Dagdag niya, “In fairness, maraming performers ang ayaw na nilang sumali kasi nga competition.

“So, kahit gustung-gusto ng composers, wala tayong magagawa.

“At saka this year may gusto ng James Reid at Nadine Lustre. Pero last year nandoon na sila, so tama na, ayaw na rin ng managers nila kasi nga marami na ring ibang schedules at projects yung dalawa.

“So, naiintindihan namin yun. This year sinasabi nga namin sa Viva, ‘Puwede ba si Sarah [Geronimo] sa performance sa finals night?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende sa schedule. So, it doesn’t mean na porke Viva, oo agad yung mga artista, kasi mayroon din silang kanya-kanyang managers, personal decisions, at schedules nga.”

Baguhan man ang ibang interpreters, ipinagmamalaki naman ni Mr. C ang galing ng mga ito. Maski nga raw siya ay nagulat.

“Magagaling sila ha.

“Alam mo, when I heard them, ‘Wow, ang galing pala ng batang iyan!’

“Well, siyempre it’s also the work of Viva. Siyempre hindi naman nila palalampasin iyon kung ganun lang.

“Kasi sila yung nagpu-produce ng album, so hindi naman puwede yung, ‘Sige, puwede na ito.’

“Hindi sila ganun mag-isip. Siyempre nagbebenta sila, nag-i-invest sila sa production, so hindi sila papayag na puwede na ito.

“Kaya napaka-strikto rin nila sa pagpili. Each song is very important,” diin niya.

EXPECTATIONS. Ano ang expectations ni Mr. C sa finals night ng PhilPop 2016?

“It’s going to be masaya, iyon ang nararamdaman ko.

“Masayang-masaya yung competition kasi alam mo, hindi naman namin plinano na ganyan yung mga kantang lalabas, e.

“Pero ito yung mga kantang pumasok sa Top 12. Which is why I like this competition because hindi mo alam kung anong klaseng kanta yung papasok this year,” lahad niya.

May payo rin si Mr. C sa mga composers na gustong sumali sa susunod na PhilPop.

“Ang gusto kong sabihin sa mga composers, kung gusto nilang mas malakas ang chance nilang makapasok, huwag silang gagawa ng style the year before.

“Kasi yung mga judges, sasabihin niyan, ‘Ay, narinig na namin iyan last year e.’ Mayroong ganung effect sa mga nagdya-judge,” saad pa ng OPM maestro.

Magaganap ang grand finals ng PhilPop 2016 sa July 23 sa KIA Theater sa Cubao, Quezon City.

Mapapanood ito via delayed telecast sa TV5 sa ganap na 10:00 pm. Ang grand prize winner ay mag-uuwi ng cash prize na P1 million pesos.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN