Will Kim Chiu be part of Xian Lim's birthday concert this July?

Matutupad na ang pangarap ni Xian Lim na magkakaroon ng sariling concert. Sa Hulyo, magaganap na ang kanyang kauna-unahang concert na A Date With Xian Lim sa Kia Theater.



Sa darating na July 9, gaganapin ang first ever major concert ni Xian Lim.

Pinamagatang A Date With Xian Lim, magsisilbi na rin itong birthday show ng The Story Of Us actor.

Sa darating na July 12 ang ika-27 kaarawan ni Xian.

Ayon pa kay Xian, kahit bago pa lang siya noon sa industriya ay pangarap na talaga niya ang mag-peform sa harap ng maraming tao.

Sabi niya, “Ito po yung first ever na hawak ko yung buong show, yung buong production.

“At the same time sobra akong kinakabahan na nabigyan ako ng opportunity na ganito and at the same time ito yung pangarap ko na matagal na.

“So,  matagal ko na talagang pinapangarap ‘to. Sabi ko, noong nagsisimula pa lang ako dito sa industry, ‘Sana one of these days ay mabigyan ako ng chance to be on the stage performing for people.’

“Kasi iba yung pakiramdam na pupunta talaga dun yung mga tao to support you, mabigyan mo sila ng magandang performance, maski sayaw pa ‘yan. Sasayaw ako dun.”

Sa Kia Theater gaganapin ang A Date With Xian Lim concert. Hindi ba siya kinabahan na malaki agad ang venue para sa kanyang kauna-unahang concert?

Tugon nito, “Actually it’s management decision na mapunta ako sa Kia. The venue naman po doesn’t matter sa akin. Kahit naman ano pong venue okay lang.”

Ano naman ang tema at repertoire ng show? Lahad ng binata, “Medyo may pagka-ballad yung theme niya, actually andun pa kami sa pagpa-finalize ng songs.

“Guaranteed na I will be giving my best and supporting naman po diyan ang Star Records and Star Events.”

Sigurado na ba ang pagdalo ng ka-loveteam na si Kim Chiu? Aniya, “Hanggang ngayon kinukulit ko pa rin siya despite her busy schedule. But for sure nandun naman yata siya.”

Sana daw abangan ng kanyang mga tagahanga dahil tutugtog siya sa isang grand piano at makakasama rin niya sa concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang halaga ng mga tickets ay VIP P3500, Orchestra, P3100, Orchestra B2600, Lodge P1400, at General Admission P800.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN