Charice returns to recording scene via Catharsis album

Charice on writing her own compositions: "Gusto ko sumulat ng kanta na makaka-relate sila."



Sa simula pa lang ng taong 2016 ay binalita na ng international singing sensation na si Charice Pempengco na may gagawin siyang bagong album na kakaiba sa mga nauna na niyang nagawa.

This time ay mga sariling compositions na raw ang magiging laman ng bago niyang album bilang simula ng kanyang reinvention sa singing career niya.

Nagbago na rin kasi ng management si Charice (E Central Inc. and CleverBox Events) kaya excited ito para sa gagawin niyang bagong music.

“I am very excited to let my supporters know of new and amazing changes.

“New projects including a full album are already in the works. 

“Thank you very much for your continued support and looking forward for a better year for all of us!” diin pa ni Charice.

Catharsis ang title ng bagong album ni Charice at ayon pa sa singer ay maraming kuwento tungkol sa sarili niya ang nilalaman ng album.

Puno raw ng iba’t ibang emotions ang mga sinulat na mga awitin ni Charice and hopefully ay maraming maka-relate sa kanyang bagong music.

“When they hear it, it's like a release. When you hear my song--either happy or sad--it's like a release of your emotions. 

“The song has a catharsis feeling to it," sabi ni Charice ayon sa interview niya with ABS-CBN News.

“The album itself, hindi lang siya about sa akin. Like everywhere I go, when I look at a certain person, fini-figure out ko kung ano ang emotion niya, ang feeling niya.

“So ang para sa akin, gusto ko sumulat ng kanta na makaka-relate sila at maiisip nila na yun ang anthem ng buhay nila. 

“So, definitely different emotions--may happy, of course may sad, may martir, may manhid, lahat na andoon.”

Kaugnay ng kanyang bagong album na Catharsis ay nalagay sa cover ng Mega Man magazine si Charice.

Unang pagkakataon na isang “transman” ang nasa cover ng naturang publication para sa buwan ng Hunyo.

Paraan raw ng magazine na maging “bold and daring” kaya tamang-tama lang ang pagpili nila sa controversial singer na si Charice dahil sa mga pinagdaanan nito at ang paglikha niya ng bagong mga awitin tungkol sa kanyang buhay.

Sa interview ni Charice, mas may lalim at mas maraming ni-reveal ang singer tungkol sa kanyang pagkatao.

Heto ang bahagi ng pinost ng publication sa kanilang Instagram account:

“By most accounts, this has never been done before and whatever way the pendulum will swing, this was a move worth taking.

“Charice came out as a lesbian in June 2013, but claims that she has been aware of her sexuality at the early age of five.

“In a move that can only be described as bold and daring, we tread unprecedented waters with headline-making international singing sensation Charice on the cover of MEGA Man.”

Sa July 2016 ang release ng Catharsis album ni Charice Pempengco.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A photo posted by Charice (@catharsis.92) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN