"Mahal Kita" singer Maricris Garcia launches first solo album

by Nora Calderon
Aug 7, 2008
Maricris Garcia, who sang the very popular Marimar theme song "Mahal Kita" finally has her own album, after being part of two compilation albums from GMA Records.

"Mahal Kita" ang bati ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maricris Garcia nang makausap namin siya sa pocket interview na ipinag-imbita ng GMA Records kahapon ng tanghali, August 6, sa The Old Spaghetti House sa Sct. Esguerra St. in Quezon City.

Ang "Mahal Kita," na siya ring title track ng kanyang first solo album with the same title ay sumikat dahil ito ang theme song ng highest-rating soap ng GMA-7, ang Marimar. Originally sung by Gerald Santos (Pinoy Pop Superstar 2 champion) and composed and arranged by Danny Tan.

Maricris has already recorded tracks for two GMA Records: Pinoy Pop Superstar 3: Grand Contenders' Album (singing the track "Beautiful Disaster) and Mga Awit Kapuso: Best of GMA TV Themes (singing "Mahal Kita").

Almost a year na bago nagawa ang debut album ng Pinoy Pop Superstar 3 champion dahil after winning the title last year, nagkasunud-sunod na rin ang trabaho ni Maricris, mostly singing the theme songs of GMA's teledramas like Mga Mata ni Anghelita, Babangon Ako At Dudurugin Kita, Joaquin Bordado (ka-duet si Marc Tupaz sa "Ikaw Lang"), at ang latest, ang Gaano Kadalas Ang Minsan with La Divas Jonalyn Viray and Aicelle Santos.

Continue reading below ↓

May hand ba siya sa pagpili ng mga songs sa kanyang album?

"Yes po, kasali ako sa pagpili ng mga songs," nakangiting sagot ni Maricris. "Twelve tracks po ito, eight originals and four revivals. Ang carrier single ay ang revival na ‘Bakit Ikaw Pa Rin' ni Larry Hermoso at kinanta ni Noah noon. Ang dalawa pang revivals ay ang ‘Thank You' at ‘With You' na siyang magiging second single."

EX-LITTLE MISS PHILIPPINES FINALIST. May Chinese blood sa both parents niya, Maricris was born on September 26 and she'll turn 21 next month. Three girls and one boy sila at siya ang bunso.

Namana raw niya ang pagkanta sa daddy niya na member ng banda o "combo" noong araw. Seven years old siya nang matuto na niyang kantahin ang "Hero" (by Mariah Carey). Noong 1993, nag-join siya sa "Little Miss Philippines" sa Eat Bulaga! pero umabot daw lamang siya sa monthly finals.

Continue reading below ↓

Fifteen years old siya nang mag-start siyang kumanta sa mga lounges ng hotel, nasa high school pa lamang siya noon. Wala man siyang formal training, nahasa naman ang pagkanta niya sa church choir nila sa Caloocan.

Nag-join siya sa first batch ng Pinoy Pop Superstar at naging challenger ni Brenan Espartinez. After a week, si Jonalyn Viray ang nanalong first "Pinoy Pop Superstar" champion.

"Sa Pinoy Pop Superstar 3 po nagkaroon ng call back ng mga dating finalists at doon na po ako pinalad," kuwento pa ni Maricris. "Ngayon, dahan-dahan na pong natutupad ang mga wishes ko at isa nga ang pagkakaroon ng sariling album."

May sarili na ba siyang composition sa album niya?

"Wala po, hindi po ako makapag-compose kasi hindi naman ako marunong tumugtog ng anumang instruments. May nasulat na po akong four songs, pero para lang poems ito. Two Tagalog and two English, at nahihiya po akong ipakita ito sa GMA Records," natatawang wika ni Maricris.

Continue reading below ↓

WANTS TO TRY ACTING. May balak din ba siyang pasukin ang acting?

"Gusto ko rin pong i-try ang acting kung bibigyan ng chance. Minsan na akong nag-cameo role noon sa Marimar, bukod sa ako nga ang kumanta ng theme song. Doon ko po naging super crush si Dingdong Dantes, nang maging si Sergio siya," natatawang wika ni Maricris.

"Crush ko rin po si Drew Arellano dahil ang saya-saya niyang mag-host. Nakasama ko na rin po si Dennis Trillo sa music video ng ‘Kahit Isang Saglit' na first time ko po na may kissing scene, pero smack lang naman po 'yon. Mabuti na lang po, crush ko lang sila, kasi taken na silang lahat!" biro pa ni Maricris.

NO LOVE LIFE. Baka naman dahil sa busy schedule niya, wala na siyang love life? May boyfriend na ba siya?

"Noon pong high school ako, pero nag-decide po kaming mag-break kasi, hindi po alam ng parents ko na kami nang dalawa, saka ang bata pa namin noon. Ngayon, wala po akong boyfriend dahil tutok nga po ako sa La Diva namin sa SOP at sa pagpu-promote ng album.

Continue reading below ↓

"Nag-start na po akong mag-promote noong July 20 sa SM Marilao, na talagang nerbiyos na nerbiyos ako. Pinatingnan ko muna sa mommy ko kung may taong manonood sa akin kasi ako lang mag-isa talaga ang kakanta, wala akong ibang guests. Thankful naman po ako na naging successful ang first mall show ko," kuwento niya.

Nasundan daw ito noong August 3 sa SM Clark. Sa Sunday, August 10, sa SM Dasmariñas; August 17 sa SM Bacoor; August 24 sa SM Fairview; and August 31 sa SM Sta. Rosa.

BACK TO SCHOOL. After graduation from high school, nakatapos pala ng first semester si Maricris ng tourism sa La Consolacion College in Caloocan. Kung makakaluwag daw siya ng schedule, gusto niyang bumalik sa school sa second semester.

"Mas maganda po 'yong makatapos din ng college kaya gusto kong i-pursue ang tourism course ko."

Available na ang Maricris Garcia: Mahal Kita in all SM, Astroplus, Astrovision and Odyssey Records outlets nationwide. Ang iba pang tracks ng album ay "Umiibig Na Ba," "Since Then," "Ikaw Lang Ang Iibigin," "I Love You Still," "Kung Sana Bukas," "Kaligayahan Natin" (a duet with Brenan Espartinez), "Nang Dahil Sa 'Yo," at "Huwag Mong Iwan Ang Puso."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Maricris Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricris Garcia, who sang the very popular Marimar theme song "Mahal Kita" finally has her own album, after being part of two compilation albums from GMA Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results