Vic Sotto collaborates with Maine Mendoza for AlDub movie theme song

Vic Sotto on Maine Mendoza as lyricist: "Napakaganda nung mga letra. Alam mong galing sa puso niya. Hindi yung basta ginawa lang kasi may pelikula. Hindi lang yung ginawa dahil kailangan ng theme song. Hindi ganun, e. May pinanggagalingan, alam mong galing sa loob niya."


Nakipag-collaborate si Vic Sotto kay Maine Mendoza para mabuo ang theme song na gagamitin sa pelikula nina Alden Richards at Maine o AlDub.

Napanood sa Eat Bulaga! nung nakaraang linggo na mayroong isinulat na isang awitin si Maine pero lyrics pa lamang ito.

Binasa niya ito sa harap ng dalawang lola (Wally Bayola at Jose Manalo) at kay Alden.

Ayon kay Vic, natapos na ni Maine ang buong kanta at siya ang maglalapat ng musika.

Aniya, “Sana mabigyan ko ng justice yung ganda nung lyrics ng isang magandang melodiya.”

Dahil dito, tila nabuhay uli ang interes ni Vic sa pagawa ng mga awitin na matagal na niyang hindi nagagawa.

“Medyo matagal-tagal na rin akong di gumagawa, e.

“As a matter of fact, I don’t remember the last song that I wrote.

“Ngayon, parang bumabalik ulit yung nananalaytay sa dugo ko sa pagsulat ng musika.”

Dagdag pa ng comedian-TV host, “Kumpleto na.

“Sinusunod ko lang, wala akong babaguhin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa presscon ng bago niyang comedy series sa GMA Network, ang Hay Bahay! nitong Lunes, June 13.

FROM THE HEART. Puring-puri ni Vic ang isinulat na kanta ni Maine at nakitaan nga raw niya ng talento sa pagsusulat ang phenomenal star ng Eat Bulaga.

“Napakaganda nung mga letra. Alam mong galing sa puso niya.

“Hindi yung basta ginawa lang kasi may pelikula.

“Hindi lang yung ginawa dahil kailangan ng theme song. Hindi ganun, e.

“May pinanggagalingan, alam mong galing sa loob niya.

“Galing sa puso, yung talagang totoo siya.

“Magaling siyang sumulat. Magaling siyang maglabas ng kanyang saloobin,” saad pa ni Vic.

Kapag nabuo na raw nila ang buong kanta, pag-iisipan na ng title na magiging title na rin ng pelikula ng AlDub loveteam.

Si Maine na rin daw ang kakanta para sa theme song ng kanilang pelikula ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN