JayR embarks on world tour with girlfriend Mica Javier and Kris Lawrence

JayR on his girlfriend Mica Javier: "Kami ni Mica, we're doing great, not only in love kundi sa career din."



Nakatakdang umalis papuntang Amerika ang tinaguriang "King of R&B" na si JayR para sa kanyang world tour concert.

Titled Original Music Only, ang concert tour na ito ay gaganapin mula June 17 hanggang July 2.

Makakasama niya rito ang kanyang best friend na si Kris Lawrence at iba pang artists katulad nina Robin Nievera, Mica Javier, Deejay Poblete at Q-York na pawang co-artists niya sa record label niyang Homeworkz.

Bungad ni Jay-R, "We're doing this U.S. tour, actually, it's a world tour.

"Kagagaling lang namin sa Guam ni Kris, at sold-out yung show namin dun, kaya we're very excited sa U.S. tour naman."

Paano nga ba niya naisipan na puro OPM ang magiging repertoire nila sa nasabing world tour? Sino ang nagkonsepto nito?

Paliwanag niya, "It's actually all our concept.

"Pero, Homeworkz produced it which is my record label, and yun, yung slogan ng Homeworkz is, 'Original music only' kaya lahat kaming artists, naisip namin na gumawa ng isang tour na original music only to elevate the OPM."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang TV crew si JayR sa pocket presscon para sa world tour na ito sa Runner's Kitchen sa Quezon City noong Biyernes, June 10.

Dagdag pa niyang kuwento, "Our first leg ni Guam, we're very happy and very humbled by it, 'cause it was sold out.

"First-produced concert in another country, so, we're very happy with the result.

"Nasa playlist namin yung mga classic Tagalog songs namin.

"Kapag kinakanta namin yun sa ibang bansa, parang nakikita namin sa OFWs at sa ibang Filipinos na nami-miss nila sobra ang Pilipinas.

"Kaya, we love doing those songs."

Ano ang pakiramdam nila kapag dinadala nila ang OPM sa ibang bansa?

Sagot n Kris na katabi lang ni JayR habang ginaganap ang panayam na ito, "Sobrang nakaka-proud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As an artist, sobrang nakaka-fulfill din.

"Like JayR said kanina,it's some kind of a risk that we're doing it, kasi, usually sa shows sa abroad, gusto nila lagi yung Top 40s, yung usung-uso.

"So, with this one, we do some kind of a limp, like a risk, kung kakagatin nila yung OPM.

"It's like our mission to elevate OPM.

"So we're very, very happy with the result that they're actually hungry with original music."

Magaganap ang Original Music Only tour sa June 17 sa San Diego, June 18 sa Los Angeles, June 24 sa San Francisco, June 25 sa New York, at July 2 sa Las Vegas.

Malaki raw ang utang na loob nina JayR at Kris sa kanilang pamilya na nasa Amerika, dahil sila ang gumawa ng legwork para magkaroon ng katuparan ang world tour concert na ito.

Saad ng King of R&B, "Nag-spearhead ako, pero hindi ko magagawa without the artirts' help.

"And our families, ang laking tulong kasi, sila yung naga-organize sa States sa amin.

"We're making the decisions, pero yung gumagalaw ay ang pamilya namin sa States--ang galing!

"It's a family business now, so, we're proud na everyone is involved."

Makikita ba sa concert ang kaseksihan ni JayR na hinahanap-hanap sa kanya ng audience?

Nangingiting sabi niya, "Sexy na kami. Hahaha!

"Actually, no, we're focusing on the music this time, hindi yung biceps and abs."

Masaya rin nga si JayR na kasama niya sa tour ang kanyang current girlfriend na si Mica Javier.

Saad niya, "She's part of the show, kasi Homeworkz artist din siya.

"Kami ni Mica, we're doing great, not only in love kundi sa career din, e.

"Yung career ni Mica, it's blossoming, ang dami niyang ginagawa ngayon.

"And because of ABS-CBN, they're giving me so much work din, kaya pareho kaming busy.

"The great thing there is that, kahit hindi kami madalas magkita, hindi nawawala yung love, so very secure kami sa isa't isa."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN