Gloc-9: "Pinag-mentor nila ako sa isang show, hindi naman ako TV person."

Will Gloc-9 allow his kids to join showbiz someday? He says, "Natutuwa po ako na mahusay silang sumayaw at kumanta. Sobra ang suporta ko pagdating diyan, pero isa lang naman po ang ano ko, makatapos muna ng pag-aaral."



Ang titulo ng bagong album ng OPM rap icon na si Gloc-9 ay Sukli.

Nang tanungin siya kung ano ang kahulugan ng naturang title, ipinaliwanag ng rapper na ang sukli ay mga bagay o ugali na puwedeng ibinabalik sa isang tao.

Sa naging press launch ng kanyang album, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rapper/singer kung ano naman ang naiisip niyang maging sukli sa industriya na puwede niyang ibigay sa loob ng mahigit isang dekada niya na rito.

Ayon kay Gloc-9, “Siguro sa tagal ko na rin po, at least, may naibigay na rin po siguro ko.

“Yung mga pamasaheng hindi nare-reimburse minsan. Nagme-mentor rin po ako sa mga ibang artists.

“Nagpu-produce rin po ako ng mga songs for other artists, siguro yun po.”

Kinumusta naman namin si Gloc-9 kung meron na rin siyang karanasan na nag-mentor siya, pero hindi siya “sinuklian” ng taong yun.

Natawa ang rap icon at saka sinabing, “Never ko naman po kasing sinabi na kailangan may makuha ko in return.

“Minsan, pinag-mentor nila ako sa isang show, hindi naman ako TV person.

“Iba talaga ako on TV sa stage o gigs. Pero tinanggap ko yun, kasi nakita ko siya na puwede akong makatulong.

“Sinabi ko rin na hindi ko gagawin yun para lang sa TV purposes.

“Gagawin ko talaga yun dahil gusto kong makatulong.

“Kung dumating yung time na gusto na ng taong yun na maglakad at ayaw ng magpa-akay, yun po ay desisyon nila at never kong iisipin na anything against them,” diin niya.


SUPPORTIVE DAD. Bukod sa kanyang mga kanta at musika, ang masasabi talagang pinaka-importante sa buhay ni Gloc-9 ay ang kanyang kambal na anak. Madalas na makikita sa mga posting niya sa kanyang social media account ang #parasaanak.

Bilang isang ama, naitanong namin sa kanya kung ano naman ang minsan ay naiisip niyang sana, mai-sukli rin sa kanya ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Wala po naman akong... well, siguro, lahat naman po ng magulang, walang ie-expect na anything in return sa kanilang mga anak.

“Siguro yung makatapos ng school, maging maayos ang buhay nila kapag hindi ko na sila kayang alalayan.”

Noong Father’s Day ay nag-post sila ng video ng kanyang kambal na kumakanta ang mga ito.

Marami ang pumuri at nakapansin na magaganda rin ang boses. Posible kayang tulad niya, papasukin din ng kambal niya na sina Shaun at Sean Pollisco ang showbiz?

“Natutuwa po ako na mahusay silang sumayaw at kumanta.

“Sobra ang suporta ko pagdating diyan, pero isa lang naman po ang ano ko, makatapos muna ng pag-aaral,” hiling niya.

Pero inamin nitong pareho raw talagang nagsasabi at nagpapakita ng interes na pasukin din ang showbiz.


HOMECOMING. Sa isang banda, bumalik sa orihinal niyang tahanan si Gloc-9. Nagsimula siya noon sa Star Records na ngayon ay kilala na bilang Star Music.

Sampung taon din siyang wala rito.

Ayon kay Gloc-9, “Bago po kasi ako nag-release ng album noong 2003 sa Star Records, ako po ay researcher ng Star Records.

“Si Sir Enrico Santos po talaga. Namamasada kami ng jeep noon ng tatay ko, nag-ring ang cellphone ko, si Sir Enrico tumatawag daw.

“Tinanong niya ko kung gusto ko raw mag-work sa Star Records. Sobrang bait din naman sa akin ng taong yun.

“Isa yun sa pinagpapasalamatan ko at isa siya sa unang tumulong sa akin.

“Nag-release ako ng dalawang album sa kanila at para bumalik ngayon ay masaya po talaga.

“Kasama ko si Jonathan Manalo noon. Halos sabay kaming pumasok noon sa Star Records, sabay kaming bumibili ng lunch,” pagbabalik-tanaw pa niya.


SONGWRITING PROJECTS. Sa pagbabalik niya sa Star Music, bukod sa kanyang album, nakaplano na rin daw ang pagpu-produce niya ng album/kanta para sa ibang artists.

Malaki ang bilib niya kay KZ Tandigan at may sinusulat nang kanta si Gloc-9 para rito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN