Ryan Bang's new second music video features Anne Curtis, Vice Ganda

Kahit daw nagkaroon na ng interes ang Korean media sa kanya, hindi daw iiwan ni Ryan Bang ang Pilipinas. Masaya daw siya kung saan siya nagsimula sa kanyang showbiz career.


Masayang ibinalita ni Ryan Bang na ipi-feature ang kanyang buhay sa Pilipinas ng isang Korean TV matapos daw mapanood ng mga taga-Korea ang kanyang music video na "Shopping."

Sabi ng It’s Showtime host, “Actually, after ni-release ko yung Shopping music video, kinontak nila ako.

“Pero, siyempre hindi ko sinabi sa TV kasi baka hindi matuloy.

"Matagal na matagal na nag-meeting kami sa Korea tapos natuloy.

“Nagpaalam ako sa ABS-CBN na kung sana pumayag kayo.

"Pumayag naman yung mga boss management kaya sobrang salamat sa ABS-CBN dahil welcome na [sa studio] ang Korean TV na nagpi-feature sa akin."

Bukod sa kanyang journey sa showbiz sa bansa, marami pa daw aspeto sa kanyang buhay ang tatalakayin sa nasabing documentary.

Sabi niya, “Tungkol sa buhay ko sa Pilipinas.

"Meron din kasi yung sa Mother’s Day…

"Kasama si Vice [Ganda], na-feature din sa bahay ni Vice, Kuya Kim, Kuya Vhong…

"Lahat ng family sa Showtime lumalabas din sa Korean TV.”

May nagawa naman daw siyang role sa isang teleserye doon at umeere na daw ito sa Korea.

Pero, hindi naman daw nangangahulugan na kapag makilala siya sa kanyang bansa ay iiwan na niya ang Pilipinas.

Saad pa niya, “I’m happy with work now.

"Work, tsaka kung bigyan ako pagkakataon ni Lord na mag-promote Philippines sa Korea, this time tanggapin ko mga offer.

"Pero hindi ibig sabihin iiwan ko Showtime, hindi ko kaya yun.

“Mula noong nagsimula ka dito comedy di ba.”

Samantala, dahil sa success ng kanyang unang music video na "Shopping," mamapanood na rin ngayon sa YouTube ang bago niyang kantang "Like Love Follow."

Masaya si Ryan sa pangalawa niyang kanta dahil nakakapag-rap siya dito.

Ilan sa may special appearance sa kanyang music video ay sina Anne Curtis, Jessy Mendiola, Vice Ganda, Kim Atienza, Vhong Navarro, Kuya Jobert.

Mapapanood din sa music video ang mga TV anchors na sina Gretchen Fullido, Bernadette Sembrano, at Noli De Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN