Christian Bautista and Erik Santos have a musical "Face-Off"

by Alex Datu
Aug 14, 2008
Christian Bautista (left) and Erik Santos (right) will collaborate for an album to be released later this year under Warner Music and Star Records. The male duo will also topbill Faceoff: the Concert at the Araneta Coliseum this November.


Nagkasundo ang namamahala ng Star Records at Warner Music upang magkaroon ng isang album para kina Erik Santos at Christian Bautista. Ito ang Face-Off album na maglalaman ng mga hit songs nila at may nilalaman na dalawang bagong kanta na kanilang pagduduwetuhan.

Ayon sa executives ng record labels, first time itong mangyayari na dalawang sikat na mang-aawit na magkaroon ng collaboration para makagawa ng isang album. Hindi ito nagawa nina Gary Valenciano at Martin Nievera although mayroon tayong mga album na nagsama ang dalawang babaeng mang-aawit at isang babae at isang lalaking mang-aawit na nagsama.

Ayon pa rin sa head ng naturang recording companies, hindi ito ordinaryong album dahil pagsasamahin dito ang mga awitin ng dalawang mang-aawit na naging sikat at tiyak aabot ito ng dalawang dosena ang kanilang mga pagpipilian na mga kanta. Ang parehong produkto ng Star in a Million ay maghaharap para sa Faceoff: the Concert sa Araneta Coliseum sa Nobyembre.

Continue reading below ↓

Masaya si Christian sa pagkakaroon ng ganitong proyekto kasama ang kanyang ASAP ‘08 co-host na si Erik. "I'm excited about the project. Kasi kami ang kauna-unahang gagawa nito. Masaya ako dahil kami ni Erik ang magkasama sa projects, gamay namin ang isa't isa mula noong nasa Star In A Million pa kami at ngayon linggo-linggo kaming magkasama sa ASAP '08."

Pahayag naman ni Erik, "Ako rin, I feel the same way what Christian feels. Imagine, hindi ito nagawa ng kahit sino man ng mga lalaking mang-aawit...kumbaga kami ang magsisimula nito."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sina Gary V at Martin naman ang susunod sa kanilang yapak? "Hahaha! Don't get me wrong. Wala akong sinabing ganyan," paglilinaw ni Erik. "Kumbaga kami ang nagse-set ng trend at excited kaming gawin ito. Mayroon din kaming isasamang dalawang bagong original songs na pagduduwetuhan namin. Di ko pa alam pero tiyak maganda itong lalabas. Excited din kami sa gagawin naming concert sa Araneta although nagkasama na kami sa mga concert pero this time, iba. Kami ang nasa billing at may mga guests kami."

Continue reading below ↓
Natawa ang dalawa nang sabihing baka magkapalit sila ng mukha as suggested by the title of their album. "Hindi masama, pareho naman kaming cute. Hahaha! Magaling pang kumanta, mga champions. Okay lang kung magkaroon kami ng face off, huwag lang voice off, hahaha!" biro pa nila.

Sa September 16, magpe-perform si Erik bilang official representative ng Pilipinas sa Beijing Olympics Festival Closing Ceremony Music Gala kasama ang representatives mula sa iba't ibang bansa. Kakantahin ni Erik ang mga kantang "This is the Moment" at "I Believe I Can Fly."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista (left) and Erik Santos (right) will collaborate for an album to be released later this year under Warner Music and Star Records. The male duo will also topbill Faceoff: the Concert at the Araneta Coliseum this November.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results