Xian Lim denies his kiss with Kim Chiu was rehearsed: "Nanakawan ng isa... kasi ayaw niyang magpa-kiss."



Ano ang wish ni Xian Lim para sa kanyang 27th birthday?

"Sana more venue to showcase and more opportunities dahil bilang artista.

"Mahirap talaga makahanap ng venue.

"Celebration? Siguro uuwi muna ako, ipapahinga ko boses ko," lahad ng ABS-CBN actor.

Labis-labis ang pasasalamat ni Xian sa lahat nang dumalo at nanood ng A Date With Xian, ang concert niya na ginanap sa Kia Theater nung nakaraang Sabado.

Masungit ang panahon noon dahil sa bagyong si Butchoy.

Bulalas ni Xian, "Maraming, maraming salamat, thank you, nandito kayo.

"I think I have too much fun, heto at nawala ang boses ko."

Kuwento pa niya sa amin, "Seeing the support na binigay nila sa akin, kakaiba.

"And their happiness is my happiness.

"Yung iba, umuwi galing London, galing kung saan-saan, Singapore, ang daming pumunta.

"Nakakataba ng puso… kasi pakiramdam ko, ano pa ba ang kaya kong ibigay?

"Pero yung suporta na binigay nila sa akin, kakaiba."

Dagdag pa niya, "Ang init ng pagtanggap nila with the directors, our bosses, nakapunta sila dito."


(To view photos from the concert, click: Xian Lim steals kiss from Kim Chiu; she responds by grabbing him)

OVERWHELMINGLY GRATEFUL. Lalongng napuno ng kilig at katuwaan ang ang concert ni Xian nang manakawan nito ng halik sa labi ang kapareha at guest niya na si Kim Chiu.

Ayon sa singer-actor, hindi planado ang nangyari kundi kusa at hindi niya sinadya.

"Nanakawan ng isa, hahaha! Usually kasi sabi niya ayaw niyang magpa-kiss pero… hahaha!

"Rehearsed? Hindi, hindi kasi usually kasi yung deal namin, dito lang kami.

"Nasulyapan ng isa, nanakawan ko ng halik."

Nagpasalamat rin si Xian sa amin na nag-cover ng concert niya, "Kinabahan nga ako, sabi ko umuulan.

"May storm pero nakuha naman, so thank God!

"Kayo, nakapunta kayo, maraming salamat."

Labis-labis din ang pasasalamat ni Xian sa Star Magic big boss na si Johnny Manahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang naging daan para makapasok at makagawa ng sarili niyang pangalan si Xan sa showbiz.

"Naalala ko lang yung opportunity na binigay sa akin ni Mr. M, it's really life changing.

"Talagang tine-tressure ko itong pagkakataon na ito."


FUTURE PROJECTS. Sana raw ay magkaroon pa siya ng mas maraming pagkakataon para maipakita niya ang kanyang talento sa pag-awit.

Ani Xian, "I wish more shows in terms of my music, I wanna work on my music.

"Ito talaga ang passion ko, to give it to the audience.

"Mailabas ko lang talaga yung inner fire ko and for them to appreciate it, it means a world to me.

"Iba-ibang klaseng music and, siyempre, more projects on TV and movies.

"Album? Sabi nila we're gonna work on the album.

"We gonna release a single and it's gonna be on the third album."

Sa pagtatapos ng Kapamilya teleserye nina Kim at Xian na The Story Of Us, marami sa mga Kimxi fans ang nababahala na baka matagalan na naman bago magkakatambal silang muli sa isang proyekto.

Nandun naman ang positibong paniniwala ng aktor na magkakasama pa sila ng kanyang leading lady.

"Alam ninyo naman ang kalakaran, matagal-tagal ang hinihintay pero I wish na mayroon pa.

"I am praying but they say there's a movie… pero di ko alam kung sino ang mga kasama."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN