Max Collins gets recording offer from US-based musician namesake

IMAGE Nikko Tuazon

It turns out, Max Collins has a namesake who's a member of American band Eve 6. In real life, the actress' name is Isabelle Abiera.



May kuwento ang GMA-7 star na si Max Collins dahil sa screen name na ginagamit niya.

Ang tunay na pangalan ni Max ay Isabelle Abiera.

Pero nang dahil daw sa screen name niya, isang male singer/songwriter at miyembro ng Eve 6 band sa America na Max Collins din ang pangalan na gustong makipag-collaborate sa kanya.

Ayon sa Kapuso actress, “Kinontak niya ako sa Twitter.

“Although bago pa niya ko minessage, na-research ko na rin siya, kasi lumalabas ang pangalan niya sa akin sa tag o mention.

“Sabi niya, kung puwede raw kaming mag-collaborate.

“E, hindi kasi ako singer.

“Gusto niyang gumawa kami ng record.

“He sent me a song na pag-aaralan ko and if I have time to go to the States, we can record.

“E, sabi ko, hindi nga ako singer, so I don’t know, baka mag-practice muna ko or something,” natawa niyang sabi.


RECORDING COLLABORATION. Bukod sa pagkakaroon ng parehong pangalan, pareho rin ang birthday ng dalawang Max Collins!

“It’s so funny. Actually, kahit sa Instagram, Twitter, kasama rin siya sa mga tag," ayon sa Encantadia star.

“So that’s why sabi nga niya, 'Let’s collaborate.'”

Bukod pa raw sa pareho sila ng pangalan, pareho rin sila ng kaarawan.

“We have the same name and we have the same birthday,” natawang sabi niya.

Parehong August 28 ang kaarawan nila.


COMMON FRIENDS. Sabi pa ni Max, “He used to be part of the band Eve 6, so parang kilala talaga yung grupo nila dati and then, nag-solo na siya.

“But then, I looked at his music video that they had before, nandoon din si Katie Holmes.

“Parang kilala talaga sila dati. And then, I met his friend, si Matthew Koma, yung kumanta ng song na 'Clarity,' he’s also a DJ.”

Paano naman niya nakilala si Matthew Koma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-perform siya sa City of Dreams, nakilala ko rin siya through Max.

“Sabi niya, 'You should check out my friend, he has a gig.'

“So I brought my friend and he was cool. Cool lang ang experience.”


MAX THE SINGER? Dahil may alok nga sa kanyang collaboration sa isang kanta, open naman si Max rito kahit na sabi nga niya ay hindi talaga siya singer.

“Well maybe, maybe,” masayang sabi ng 23-year-old actress.

“Maybe if I’ll go to the States and marunong talaga kong kumanta, maybe we can make a record.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN