Gary Valenciano opens up about his physical limits as a performer

IMAGE Carlos Miclat

Gary V Presents will take place from July 15-16, 2016 at the Kia Theater in Cubao.


Hindi kontra si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa nauusong klase ng concert ngayon: ang tinatawag na digital concert.

Para kay Gary, mayroong advantages ito, pero din namang disadvantages.

Pahayag niya, "I think with regards to concerts being done online, yung huling last concert ko, yung Arise which was staged here in Araneta, it was also online, e.

"I think, ABS-CBN allowed people to access online.

"Kaso, these concerts have to be really, really handled carefully kasi, iba yung live.

"Even when you say na it's a live concert, iba yung nararamdaman mo.

"You hear the people's reaction, you hear the music.

"I think that's the only effect.

"When regards to the popularity of the artist, iba naman."

Dugtong pa niya, "Like si Yeng Constantino, she had one.

"Di naman lagi siyang magku-concert na lang online.

"Kasi, people, hanap at hahanapin pa rin yung live experience.

"I don't know how it's gonna affect for now, kasi naging common trend ngayon.

"But, I don't know how's it gonna be in the next future."

Nakausap ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) at ng ilang entertainment media ang beteranong singer sa pocket presscon para sa concert niyang Gary V Presents na ginanap sa lobby ng Kia Theater.

Ang two-day concert na magaganap sa July 15 at 16 sa Kia Theater ay ang fifth installment na ng Gary V Presents.

Dito ay makakasama niya ang mga baguhang sina Allan Silonga, Timmy Pavino, Janis Javier, RJ Dela Fenta, Mitoy Yongting, ang kanyang anak na si Kiana at marami pang iba.

Noong nakaraang taon, tatlong beses itong napanood sa Resorts World Manila, at isang beses naman sa Dipolog City.

Ang isa raw na nagbibigay inspirasyon kay Mr. Pure Energy sa concert na ito ay dahil makakasama niya ang nag-iisang anak niyang babae.

Bago kay Kiana, ilang beses na rin niyang nakasabay mag-perform ang kanyang panganay na anak na si Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pakiramdam ng isang amang katulad niya?

Aniya, "The feeling of being onstage with my children, knowing the people I'm performing for are even younger.

"The millennials are all there, and it went beyond my wildest expectations.

"Kaya nga kanina, I mentioned that I have to go to that level of performance unlike any other that I've done before.

"When I'm looking at Gab and he's moving with me, we have facial reactions na we don't talk, reactions telling each other na, 'C'mon, Dad, let's do it. 'C'mon Gab, keep up with me. Kaya mo ba?'

"It's a sensation and a feeling that not many artists have, because they don't get to perform with their kids like I do.

"So, I'm blessed on that sense."


PHYSICAL CHANGES. Samantala, inamin niya na may limits na rin ang kanyang moves on stage unlike noong kabataan niya.

Although, sinabi naman niya na gagawin pa rin niya ang gusto niyang galaw hanggang sa kaya pa ng kanyang katawan.

Sabi ng 51-year-old singer, "Yeah, there's a certain...

"Like now as I speak , there's tendonitis on my right shoulder, so sometimes, to put my hand like that on a concert, I say, 'Oh, teka muna sandali,'" sabay muwesto na itinaas ang kanyang kanang kamay.

"But it doesn't bother me na, 'Oops, kailangang mag-ingat na...no.

"I'm not aggravating an injury, I have a torn meniscus on my right knee, pero kung ano ang kaya kung gawin, dun ako hahataw."

Kasalukuyang naka-display sa Gateway Mall ang kanyang mga memorabilia sa mahigit na tatlong dekada niya bilang isang OPM artist.

Ano ang pakiramdam niya na maraming millennials ang nagpapakuha ng mga litrato rito, ag ibig sabihin ay nagku-connect pa rin siya sa kanila?

Nangingiting pahayag ng singer-actor, "Well, it feels good.

"Kasi, parang, 'Hindi ko akalain, e.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HIndi ko akalain na tatagal ako ng ganito.

"And if at all may pangarap ako na tumagal ako nang ganito, I never thought that I' going to reach the millennials.

"Apparently, it's happening, so, I have to maximize that.

"That word 'millennials', it's gonna change quickly into another group of young people.

"What they will be called, I don't know."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN