Junior New System named Senior Grand Champion of the World in WCOPA 2016

IMAGE From Facebook page of Junior New System

Junior New System bagged awards for Dance Group of the World and Senior Grand Champion of the World in the 2016 edition of WCOPA.



Nagwagi ang Filipino teen dance troupe na Junior New System sa katatapos lamang na World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Ginanap ang WCOPA noong Sa Long Beach, California mula July 8 hanggang 17.

Napanalunan ng Junior New System ang Dance Group of the World at Grand Champion of the World sa Senior category ng WCOPA.

Gumawa ng history ang Pinoy group dahil sa kanilang kakaibang dance number. Ito ang naging description ng kanilang grupo: "Jr. New System from the Philippines is the first male dance group at WCOPA to perform their entire routine in high heels. That's 10 pairs of heels on stage!"

Agad na nag-post sa kanilang Facebook page ng kanilang pasasalamat ang Junior New System sa mga sumuporta sa kanila.

"Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! Sa walang sawang pagsuporta niyo po sa amin at mga panalangin po ninyo, salamat po! Para sa inyong lahat po ito,” post pa ng grupo.

Nakilala noon 2015 ang Junior New System sa unang season ng Asia's Got Talent.

Nakuha ng grupo ang Golden Buzzer at umabot sila sa grand finals kunsaan ang nanalo ay ang Filipino shadow play group na El Gamma Penumbra.

Ang mga Pinoy na naging grand champions na sa Senior and Junior category ng WCOPA ay sina Jed Madela, Cercado Sisters, Reymond Sajor, Aria Clemente, Catherine Loria, Rhap Salazar, Rose Mamaclay, Joshua Pineda, Beverly Lumbes Caimen, Ianna dela Torre, The Gollayan Sisters, Lloyd Montebon at Y-Fi.

Ang World Championships of Performing Arts (WCOPA) ay international competition para sa mga best aspiring performing artists worldwide.

Sa Hollywood, California ito ginaganap annually at ang tawag nila dito ay "Olympics of the Performing Arts."

Nagko-compete ang mga participants mula sa iba't ibang mundo sa mga categories ng acting, singing, dancing, modeling, instrumentalists, and variety categories.

Founded by Griff O'Neil in 1996, nakapag-participate na ang higit na 70,000 applicants from 47 countries in Hollywood.








ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN