Reymond Sajor releases debut album "Coming Home"


Reymond Sajor has just recently released his debut album, Coming Home, which is exclusively distributed by Sony BMG. The singer is now being managed by Ambient Media Management Groupand not by STAGES.



It took years bago matapos ang paggawa ng very first albumni Reymond Sajor, ang Coming Home,dahil sa pagiging sobrang espesyal daw nito. Ang album ni Reymond ay releasedunder Songstream Music at manufactured and exclusively distributed ng Sony BMG.All tracks of the album are produced by Gerard Salonga.

Pero sa aming palagay, isa sa highlight at maipagmamalaki ngkanyang album ay ang paggamit ng full orchestra na madalang marinig sa mgaalbum ng mga singers. At kuwento nga ni Reymond during his album launch lastSaturday, August 16, at Eastwood mall, isa sa dahilan ‘yun kung bakit natagalan ito matapos.

"Live orchestra po kasi siya, as in, full orchestra. Lahatng songs ko sa alnum is accompanied by full orchestra. Kaya lahat ng process kosa album ay matagal. And then, at the same time, minaster rin po kasi siya saStates. And being mastered by Bob Katz."

Napaka-espesyal pala ng album niya? "Opo talaga! Kaya umabotsa almost one year kasi, we started doing this album around August or SeptemberI guess of last year, after winning po sa WCOPA [World Championships ofPerforming Arts], so umabot po talaga siya ng almost one year."

Bukod pa sa mga nabanggit niya, isa pa raw sa maipagmamalakini Reymond sa kanyang album ay most of the songs are original, isang bagay na gustoraw talaga niyang gawin.

"Kasi, marami na rin pong gumawa na mga Filipino singers narevival and it's time naman na ibalik na pati ‘yung mga original songs. Paramaibalik na rin ‘yung dating sigla sa industry.

"Ang pansin ko po kasi, kahit sa ibang bansa, the reason whythey are improving is because they never stop making good or great music, kayapatuloy pa rin silang yumayaman at nag-i-improve."

Puwedeng sabihin na mahal ang pagkakagawa ngalbum niya dahil sa magandang quality nito. ‘Yun nga lang, the usual problem ngmga recording company or recording artist ay ang madali rin pag-pirata ngalbum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo nga, actually mahal po talaga siya. Pero ako naman pokasi, ang pinaka-importante po sa akin, ‘yung quality talaga. I don't want tobe a mediocre singer or artist ng Pilipinas."

Dugtong pa niya, "Kinakailangan kasi para manatili ka saindustriyang ito, gawin mo kunsaan ka magaling at pagbutihin mo ang ginagawamo, hindi ‘yung okey-okey lang, Nandoon dapat ang excellence palagi."


In fairness, marami na rin achievement si Reymond. Bago pa man siya magingGrand Champion as senior vocalist of the world sa 2007 WCOPA sa Hollywood,naging finalist siya noong 2006 sa PhilippineIdol ng ABC-5, grand prize winner sa 2003 Hamilton Talent Hunt sa Ontario,Canada at finalist din sa ilang contest sa ABS-CBN like Coca-Cola Musicola, Star For A Night, Star Quest,JAM Himig Handog Para sa Kabataan at MetropopStar Search ng GMA-7 noon.

SWITCHING MANAGERS. Sanaturang album launch ni Reymond, ang Ambient Event Artist Center ni Eric JohnEnriquez na ang nangangalaga ng careerni Reymond, that makes it more clear na wala na nga siya sa STAGES na unangnakilalang nagma-manage sa kanya.

Aniya, wala naman daw problema na umalis siya sa STAGES dahiltapos na rin daw ang kontrata niya rito.

"Dapat po kasi, noong una, kami na lang ng family ko angmag-aasikaso. Parang gusto po naming mag-focus sa pagpo-promote ng albumbecause we are very confident na tutulungan kami ng Songstream Records. Then,after telling it to STAGES na hindi na ko magre-renew, bigla namang nag-offerang Ambient Media Management Group ng contract. Pero pinag-isipan ko rin muna.

"Okey naman po ako sa STAGES, maayos naman po ang separationnamin."

May pagtataka si Reymond sa line of questioning sa kanya atito na ang nagtanong kung bakit daw...so, we told him na he was missed during thepresentation of new delegates for WCOPA and presentation of winner.

"Ah, I think, wala kasi akong invitation na nakuha sakanila. Kasi, they we're thinking that I was so busy doing the album. Pero hindi ko alam na nagka-meron nglaunching. Hindi naman po nila ko inisnab or something, honestly, ‘yung saevent po nila, kinokontak pa rin po nila ko kapag may mga gigs na gusto nilakong kunin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Now that he finally got his dream, how does he feel?

"I feel so blessed and fortunate because not everyone canhave this kind of opportunity. There are lots of singers in the Philippines,pero, kokonti lang ang napagbibigyan. Kaya pagbubutihin ko talaga. ‘Yung sapagkanta, alam ko po na doon talaga ko mabubuhay."

Aminado si Reymond na kung may isa ngang kulang sa kanyangayon, it's a visibility in a regular show tulad ng dati niyang kasamahan sa Philippine Idol noon na si Gian Magdangal na regular na napanood sa S.O.P. ng GMA-7.

"Actually, I am very much happy sa kanila. Now, si Miguel Mendoza, nasa Pinoy Dream Academy Season 2 tapos ‘yungiba, nasa Singing Bee, parang I amhappy na most of us naman are doing well sa industry na ito. On my part po, isarin ‘yun sa inaayos ng management."

Ang pinaka-favorite raw ni Reymond saalbum niya ay ang kanyang carrier single na "ComingHome" since it is closer to his own experience. Other tracks in the album are "Counting DownThe Days," "Stand," "I'll Be There," ‘I Looked Into The Wings," "Be My Lady," "IThink I'll Try," "You Should Know Me By Now," "Love Me Again," "Nella Fantasia,"and "Anthem."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN